Close

Tagalog Service

Ang Paghahari ng Diyos sa Sanlibutan

Ang Paghahari ng Diyos sa Sanlibutan

Dala ng bagong taon ang panibagong pag-asa para sa hinaharap. Inaabangan natin di lamang ang katapusan ng isang pandemya kundi ang katuparan ng mga pag-asang mas hihigit pa rito. Sa mensaheng ito, inihahayag ni Ptr. Allan Rillera ang katiyakan ng ating mga inaasahan sa tamang panahon. Tutuparin ng Diyos ang Kanyang pangako at darating ang araw na maghahari ang Kanyang kabutihan sa buong sanlibutan.

Read More

Hindi Puro Hallelujah Lang

Hindi Puro Hallelujah Lang

Maaring abala tayo sa paglilingkod sa Diyos, ngunit nasa tama ba ang ating mga puso? Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang ating serbisyo at handog ay hindi katanggap-tanggap sa Panginoon kung hindi malinis ang pusong pinagmumulan nito. Mas mahalaga para sa Diyos ang motibo at nilalaman ng ating mga puso’t isipan kaysa sa ating mga ginagawa. Ugaliin nating lumapit sa Siyang magdadalisay ng ating mga puso.

Read More

Pasko, Pandemya, at Pangakong Kapayapaan

Pasko, Pandemya, at Pangakong Kapayapaan

Ang panahon natin ngayon ay puno ng agam-agam, takot, at pangamba. Kaya’t ngayong Linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na hangad ng Diyos na bigyan tayo ng kapayapaan – at ito ay makakamit natin kapag si Hesus ang naghahari sa ating mga buhay. Ang kapayapaan na galing sa Diyos ay hindi nakasalalay sa mga sitwasyon at kaganapan; ang tunay na kapayapaan ay makikita sa kalagayan ng ating mga puso.

Read More

Kung Ikaw ay Napalayo sa Diyos

Kung Ikaw ay Napalayo sa Diyos

Huwag tayong mag-atubiling bumalik sa Panginoon tuwing tayo ay napapalayo sa Kanya. Sa mensaheng ito, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na kung tayo ay magbabalik loob sa Diyos nang may pagsisisi at pagpapakumbaba, maasahan natin ang pangako Niyang magbalik din sa atin.

Read More