Close

April 9, 2023

Si Cristo Ay Buhay! Bakit Ba Ito Ay Mahalaga?

Kung hindi muling nabuhay si Hesus, wala tayong pag-asa laban sa siguradong kamatayang bunga ng ating pagkakasala. Ngayong Araw ng Pagkabuhay, ibabahagi ni Ptr. Mike Cariño na naging tunay ang ating pananampalataya, buo ang ating pagpapatawad, at tiyak ang ating kinabukasan dahil sa muling pagkabuhay ni Kristo.

Life would be without hope if Jesus had not risen from the dead, because without His resurrection, we face an eternal death. This Easter, Ptr. Mike Cariño shares how our faith is made genuine, our forgiveness is accomplished, and our future has been secured by Jesus’ resurrection.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 15:12–20


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.