Close

June 21, 2026

Hope For the Discouraged Soul: Tugon Kung Pinanghihinaan Ng Loob

Hope For the Discouraged Soul: Tugon Kung Pinanghihinaan Ng Loob

Inilalahad ng Awit 42 at 43 ang labis na pananabik ng isang kaluluwang nanghihinawa at uhaw na uhaw sa presensya ng Diyos sa gitna ng kaguluhan. Ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ni Rev. Michael Cariño na lumalago ang pag-asa kapag nauuhaw tayo sa Diyos, ipinapaubaya natin ang ating kaguluhan sa Kanya, at nagtitiwala tayo sa Kanyang pagliligtas.

Psalms 42 and 43 express the raw longings of a discouraged soul who is desperately thirsting for God’s presence amid turmoil. This Sunday, Rev. Michael Cariño reminds us that hope grows when we thirst for God, surrendering our turmoil to Him, and trusting in His deliverance.


Basahin sa Bibliya

Psalm 42-43

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Kapag pinanghihinaan ka ng loob, ano ang madalas mong gawin: mag-isolate, magpa-distract, mag-pray, kumausap ng tao, o iba pa? Bakit kaya ganito ang iyong pagtugon?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang ginawa ng psalmist noong pakiramdam niya na malayo ang Diyos at kinukutya siya ng mga tao?
  • Paano ipinakita ng psalmist ang pagtitiwala sa Diyos kahit hindi pa nagbabago ang kanyang sitwasyon?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Diyos ang nakakalimutan mo dahil sa pagod, sakit, o disappointment?
  • Anong mga boses ang madalas mong pinapakinggan? Dinadala ka ba nito sa pag-asa o mas lalo kang pinanghihinaan ng loob?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang praktikal na paraan para mas lumalim ang pagka-uhaw mo sa Diyos ngayong linggo?
  • Ano ang isang katotohanan mula sa Salita ng Diyos o promise ng Diyos na kailangan mong ipangaral sa sarili mo araw-araw sa pinagdadaanan mo ngayon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin at pasalamatan ang Ama dahil Siya ang tunay na kailangan ng ating kaluluwa at hindi Niya tayo iniiwan kahit sa panahon ng panghihina ng loob. Pasalamatan Siya dahil ang Kanyang katapatan ay hindi nakadepende sa ating nararamdaman o sitwasyon. Magalak na sa pamamagitan ni Kristo, may pag-asa tayong lumapit sa Diyos at sumamba kahit may sakit, pagaalinlangan, o pagod sa puso. Purihin Siya dahil Siya ang ating Bato, ating Liwanag, at tanging mapagkakatiwalaan sa gitna ng anumang pinagdaraanan.
  • Magsisi sa mga pagkakataong hinayaan mong ang discouragement, sakit, o mga negatibong boses ang mas manaig kaysa sa katotohanan ng Diyos. Humingi ng tawad sa pagaakalang may ibang bagay na pupuno ng pangangailangan ng puso sa halip na mas lumalim ang pagka-uhaw sa Kanya. Ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na maalala ang Kanyang katapatan, dalhin ang lahat ng sakit at paghihirap sa Kanya nang tapat, at piliing magtiwala at sumamba kahit hindi pa nagbabago ang iyong sitwasyon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.