A Song of Praise: Ang Dakilang Diyos at ang Tao
Makikita natin sa mga nilikha ng Diyos ang Kanyang kadakilaan at matinding pagmamalasakit para sa atin. Ngayong Linggo, ipinapaalala ni Pastor Joseph Ouano na kapag hinanap natin ang kagandahan ng Diyos sa Kanyang mga nilikha, mas makikilala natin ang ating mga sarili — ang ating kahinaan, dignidad bilang mga taong ginawa sa Kanyang wangis, at ang ating layunin na purihin Siya.
All of creation declares the greatness of our God and His profound care for us. This Sunday, Pastor Joseph Ouano reminds us that when we seek God’s majesty in creation, we gain a clearer understanding of our frailty, our dignity as His image-bearers, and our purpose to glorify Him.
Basahin sa Bibliya
Psalm 8
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang karanasan na napahinto ka at tumingin sa creation (bundok, dagat, stars, ulan, hayop, etc.) para isipin kung gaano kadakila ang Diyos.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Ano ang nangyari kay David habang pinagmamasdan niya ang kalangitan at mga nilikha ng Diyos? Ano ang na-realize niya tungkol sa Diyos at sa tao?
- Sa kabila ng pagiging maliit ng tao kumpara sa buong creation, anong mga biyaya at responsibilidad ang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Saan mo madalas hinahanap ang iyong kahalagahan at kabuluhan? Sa achievements, trabaho, approval ng tao, ministry, o sa biyaya ng Diyos na nagbibigay ng dignity at purpose?
- Tinatrato mo ba ang mga ipinagkatiwala ng Diyos (oras, pera, trabaho, relationships, ministry, environment, abilities, etc.) bilang pagmamay-ari mo o bilang mga bagay na ipinagkatiwala lang sayo? Bakit?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Paano mo mas makikita ang araw-araw mong gawain sa bahay, church, pag-aaral/trabaho, at sa iba’t pang aspeto ng buhay bilang bahagi ng calling ng Diyos at hindi lang obligasyon?
- Ano ang isang konkretong paraan para mas maipakita mong ikaw ay katiwala at hindi may-ari ng mga ipinagkaloob ng Diyos? Mayroon bang isang habit o practice ng pagiging maaksaya, controlling, greedy, o careless na kailangan mong talikuran? Ano ang ipapalit mo rito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Panginoon dahil Siya ang dakilang Diyos na ang kaluwalhatian ay makikita sa buong kalikasan at sa lahat ng Kanyang nilikha. Pasalamatan Siya dahil kahit maliit at limitado ang tao, pinili Niyang alalahanin tayo, pagkalooban ng dangal at karangalan, at pagkatiwalaan ng makabuluhang gawain. Magpasalamat na ang ating halaga at kabuluhan ay hindi nakasalalay sa kakayahan, tagumpay, o pagkatao mo kundi sa biyaya at layuning ipinagkaloob ng Diyos.
- Magsisi sa mga pagkakataong namuhay ka na parang ikaw ang may-ari at hindi katiwala ng mga ipinagkatiwala ng Diyos—sa oras, kakayahan, resources, relasyon, gawain, at maging sa Kanyang nilikha. Humingi ng tawad sa mga panahong hinanap mo ang halaga mo sa sarili mong achievements o ginamit mo ang authority at opportunities para sa pansariling ambisyon. Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng pusong mapagkumbaba, mapagpasalamat, at tapat na mamuhay bilang katiwala na nagdadala ng karangalan sa Kaniya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
