Safe, Secure, and Satisfied in God: Kay Lord, Kampante Ako

Ang pinakaligtas na lugar ay hindi kung saan walang problema, kundi kung saan naroon ang presensya ng Diyos. Ngayong Linggo, ipinaaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na kapag ang Diyos ang ating pinakamahalagang kayamanan, Siya ay higit pa sa sapat para sa bawat yugto ng buhay. Sa pagtitiwala natin sa Kanya, matatagpuan natin ang tunay na kapahingahan at kagalakan.
Safety is not the absence of trouble or danger; it is the presence of God. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that when God is our most precious treasure, He is more than enough for every season of life. By trusting in Him, we find true rest and joy.
Basahin sa Bibliya
Psalm 16
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Kapag stressed, worried, o may mabigat kang pinagdadaanan, saan o kanino ka unang tumatakbo? Bakit kaya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Ano ang itinuturo nito tungkol sa probisyon ng Diyos? Paano nito ipinapakita na ang Diyos ang ating greatest possession, source of contentment, guide, at focus?
- Ano ang resulta ng pagtitiwala sa Diyos? Bakit nagiging posible ang tunay na joy kahit may pinagdaraanan?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Maging tapat: Masasabi mo bang ang Diyos ang iyong greatest treasure at possession? Ano bagay ang nakikipagkompetensya sa Kanya sa puso mo ngayon?
- Kamusta ang iyong contentment sa mga ibinigay ng Diyos? May mga pagkakataon bang naiinggit ka o nahihirapang tanggapin ang Kanyang plano?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Gaano ka ka-intentional na makinig sa paggabay o guidance ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita bago gumawa ng mga desisyon? Paano mo mas mabibigyang-priority ang pagbabasa at pagninilay sa Salita ng Diyos upang mas makilala mo ang Kanyang boses?
- Ano ang isang practical step na maaari mong gawin upang maipakita na ang Diyos ang iyong greatest treasure at hindi ang ibang bagay?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Pasalamatan ang Ama sa Langit dahil Siya ang ating unfailing Refuge, faithful Provider, and greatest Treasure. Purihin Siya dahil ang tunay nating seguridad ay hindi nakasalalay sa kawalan ng problema kundi sa Kanyang presensya. Magpasalamat na lagi Niya tayong pinoprotektahan, pinagpapala, at ginagabayan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Pasalamatan Siya dahil sa pamamagitan ni Christ, mayroon tayong katiyakan ng buhay, kagalakan, at walang hanggang presensya Niya.
- Magsisi sa mga pagkakataon na hinanap mo ang security, satisfaction, at joy sa ibang bagay at hindi sa Diyos. Humingi ng tawad sa mga pagkakataong mas inuna mong umasa sa sarili mong kakayahan, sa ibang tao, o sa mga bagay ng mundong ito kaysa kay Panginoon. Aminin ang mga pagkakataong nag-alinlangan ka sa Kanyang kabutihan, nagreklamo sa mga bagay na ibinigay Niya, o pinahintulutan ang takot at pag-aalala na kontrolin ang iyong puso. Ipanalangin na tulungan ka ng Holy Spirit na magtiwala sa proteksyon ng Diyos, magpahinga sa Kanyang probisyon, masiyahan sa Kanyang presensya, at patuloy na ituon ang iyong mga mata kay Jesus upang ang iyong pagtitiwala, katiwasayan, at kasiyahan ay palaging matatagpuan sa Kanya lamang.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
