Paano ba natin mababago ang ating mga sarili upang maging katanggap-tanggap sa Diyos? Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño na ang susi tungo sa pagbabago ng ating puso, isip, at pangangatawan ay ang kapangyarihan ng Gospel.
Hindi masama maging “single”. Sa Bibliya, ito ay inilalarawan na mabuti at isang pagpapala. Ngayong linggo, iisa-isahin ni Ptr. Renz Raquion ang mga maling kuru-kuro tungkol sa pagiging “single” at itatampok kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito.
Paano maghihilom ang mga sugat na dulot ng pagtatalo sa pagitan ng magkakapatid o magkakapamilya? Sa mensaheng ito, tinuturo ni Ptr. Mike Cariño na ang pagkakasundo sa pamilya ay nagsisimula sa pagmamahal at pagpapatawad na naranasan natin mula sa Diyos. Dahil sa Kanyang halimbawa, kaya nating magpakumbaba, makipag-ayos, at magpatawaran bilang isang pamilya.
Ang pagpapatawad at pagmamahal ng Diyos sa atin ay ‘syang magtuturo sa atin kung paano tuparin ang disenyo ng Diyos para sa ating pamilya. Itong linggo, ipapaalala ni Ptr. Mike Cariño na kailangan natin magpakumbaba, manalangin, at magpatawaran bilang isang pamilya.