Hindi maiiwasan na may mga pagkakataong hindi nagkakasundo ang mga mag-biyenan at manugang. Kaya ngayong linggo, magbabahagi si Ptr. Allan Rillera ng mga prinsipyo mula sa Bibliya na makakatulong sa atin na pagbutihin ang ating relasyon sa ating mga “in-laws” at itaguyod and ating pamilya sa paraang naayon sa disenyo ng Panginoon.
Ang mahusay na magulang ay nagtuturo sa kanilang mga anak at mga apo kung paano mamuhay nang karapat-dapat sa Diyos. Samahan natin si Ptr. Mike Cariño itong linggo kung saan hinihikayat niya ang mga Lolo at Lola na ibahagi ang kanilang kaalaman at pananampalataya kay Hesus sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng kanilang pagkalinga, pamumuhay at sa asal.
Mahusay ang mga magulang na tinuturuan ang kanilang mga anak kung paano mabuhay sa paraang kaaya-aya sa Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat ni Ptr. Mike Cariño ang bawat magulang na maging repleksyon ng Diyos sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal, pagtuturo, pagkilos, at pag-uugali. Ito ay isang mahalagang pamana para sa susunod na henerasyon.
Ang pangunahing responsibilidad ng isang anak ay ang sumunod sa kanyang mga magulang. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Renz Raquion kung paano magagampanan ng mga anak ang kanilang obligasyon sa Panginoon na galangin ang kanilang mga magulang.