Kailangan nating ingatan ang ating puso laban sa mga impluwensyang maaaring maglayo sa atin mula sa katotohanan at kapangyarihan ng Diyos. Ngayong Linggo, pinaaalalahanan tayo ni Rev. Mike Cariño na huwag hayaang maging manhid ang ating mga puso dahil sa labis na pagtutok sa mga alalahanin ng buhay, sa kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos, at sa patuloy na pagtanggap ng mga nakalalasong impluwensya sa ating buhay.
Read More
Humingi ang mga mayayabang na Pariseo ng tanda mula sa langit, ngunit tinanggihan ito ni Hesus dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Pastor July David na ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabatay sa malinaw na patunay o hindi maipagkakailang ebidensya, kundi nakaugat sa matibay na paninindigan sa katotohanan ng Salita, kapangyarihan, at probisyon ng Diyos—anumang sitwasyon ang ating kinahaharap.
Read More
Ipinakita ni Hesus ang Kanyang habag at pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod sa lahat nang walang pagbubukod o kundisyon. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Ptr. Mike Cariño na naipapakita natin ang puso ni Hesus sa pagkilala sa Kanyang habag, pag-alala sa Kanyang katapatan, pagtugon sa Kanya nang may pananampalataya, at pag-asa sa Kanyang kasapatan.
Read More
Ipinadama ni Hesus ang Kanyang habag at kakayahang magpagaling sa lahat, mayaman man o mahirap, bilang patunay na ang Kaharian ng Diyos ay para sa bawat isa. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na manalangin sa Diyos na buksan ang ating mga puso upang tunay natin Siyang marinig, at nang sa gayon ay makatugon tayo sa Kanyang tawag nang may pagtitiwala, pagsunod, at pagsamba.
Read More