Following Christ: What Truly Matters?
Ang relihiyon ay maaaring mauwi sa napakaraming alituntunin at paghihigpit, na nagdudulot ng pagkalito, pagkadismaya, at disilusyon tungkol sa kung ano ba talaga ang kahulugan ng pagsunod kay Kristo. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Pastor July David kung ano ang tunay na mahalaga para sa mga nagnanais na buong pusong sumunod kay Kristo.
Religion can burden us with countless rules and restrictions, leaving us confused, disappointed, and disillusioned about what it truly means to follow Christ. This Sunday, Pastor July David shares what really matters for those who wish to follow Christ wholeheartedly.
Basahin sa Bibliya
Mark 12:28-34
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- May moment ba sa buhay mo na akala mo tama ang ginagawa mo spiritually, pero sa huli na-realize mo na kulang pala sa puso? Paano mo narealize iyon? Anong nangyari pagkatapos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin ng mahalin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong isip, at buong lakas (v.30)? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa klase ng pagsunod na gusto ni Jesus?
- Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin Niyang “malapit ka sa Kaharian ng Diyos” (v.34)? Bakit mahalagang makapasok sa kaharian at hindi lang basta malapit?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa anong mga aspeto ng iyong buhay mas madali para sa iyo na mahalin ang Diyos? Sa anong mga aspeto mas mahirap para sa iyo na magpasakop (hal. school/office, mga relasyon, mga desisyon, o oras)?
- Sa anong bahagi mo nararamdaman na parang nahahati ang iyong puso? Mayroon bang mga bahagi na ibinibigay mo sa Diyos, ngunit mayroon ding mga bahagi na ayaw mong isuko?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Mas sinusukat mo ba ang iyong pananampalataya sa kung gaano karami ang iyong nalalaman o sa kung paano ka namumuhay? Paano ka hinahamon ng mensahe ngayon? May kailangan ka bang iayon muli sa Salita at kalooban ng Diyos?
- Sino ang isang tao na tinatawag ka ng Diyos na mahalin nang mas may malasakit? Ano ang isang simpleng hakbang na pwede mong gawin?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Ama sa Langit dahil ipinakita Niya na ang tunay na pagsunod ay nagmumula sa pagmamahal, hindi sa relihiyon o panuntunan. Pasalamatan Siya dahil minahal ka Niya nang buo sa pamamagitan ni Jesus—isang pagmamahal na nagtuturo sa atin kung paano mahalin ang Diyos at ang kapwa. Magpasalamat na ang Kanyang pamamahala ay hindi pabigat, kundi nagbibigay ng direksyon, kabuluhan, at buhay.
- Magsisi sa mga pagkakataong naging panlabas lang ang pagsunod mo—may kaalaman pero kulang sa buong-pusong pagpapasakop. Humingi ng tawad para sa mga bahagi ng buhay mo na hindi mo pa lubusang isinusuko sa Diyos. Ikumpisal ang mga oras na mas pinili mong manatiling malapit kaysa tuluyang pumasok sa Kanyang Kaharian. Ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na magmahal nang buo, mamuhay nang tapat, at sumunod hindi dahil kailangan, kundi dahil Siya ang Panginoon ng buhay mo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
