The Way of Agape Love
Paano ba magmahal ng mga taong mahirap mahalin? Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Allan Rillera ang tungkol sa “Agape Love” ng Diyos upang ipaliwanag kung ano ang tunay na pagmamahal at kung ano ang hindi.

Gaano man kahanga-hanga ang isang kakayahan, ito ay nawawalan ng kabuluhan at saysay kung walang pag-ibig. Sa linggong ito, ipinapaalala ni Rev. Mike Cariño na ang magandang pagsasalita, malalim na karunungan, matatag na paniniwala, at malalaking sakripisyo ay walang kabuluhan kung hindi natin gagamitin ang mga ito nang may pagmamahal sa kapwa.
Tulad ng isang katawan na may iba’t ibang bahagi at gawain, tayo ay magkakaiba pero nagkakaisa kay Kristo. Ngayong linggo, ipinaalala ni Ptr. July David na bilang simbahan ng Diyos, dapat nating itigil ang diskriminasyon at ipagdiwang ang ating mga pagkakaiba dahil lahat tayo ay nagkakaisa kay Hesus at pinagkalooban ng iisang Espiritu.
Ano ang mga spiritual gifts? Kanino ito ibinigay at para sa anong layunin? Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Joseph Ouano ang katotohanan tungkol sa mga spiritual gifts at kung bakit biniyayaan ng Diyos ang bawat mananampalataya ng mga ito.