Ang Worship na Nagpapalakas sa Family of God
Paano natin malayang magagamit ang ating mga espirituwal na kaloob habang pinapanatili pa rin ang kaayusan sa pagsamba? Sa linggong ito, binigyang-diin ni Rev. Mike Cariño na nais ng Diyos ang isang pagsamba na nagbubuklod, nagtataguyod, at nagpapanatili ng kaayusan sa pagsamba.
How can we freely use our spiritual gifts while still maintaining order in worship? This week, Rev. Mike Cariño emphasizes that God desires worship that unites, uplifts, and upholds order.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 14:26-40
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano mo hinahanda ang iyong sarili spiritually at mentally bago magsamba? Tukuyin ang pagkakaiba sa iyong pagsamaba kapag ikaw ay nakapaghanda at hindi nakapaghanda.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ilista ang mga activities sa pagsamba ayon sa v.26. Anong layunin ng bawat gift/gawain? Paano naaangkop ang mga ito ngayon?
• Ano ang itsura at epekto sa lipunan kapag ang mga spiritual gifts ay ginagamit nang hindi ayon sa salita ng Diyos na sumisira sa tunay na gawain ng Banal na Espiritu?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sumasamba ka ba nang may mindset na maglingkod sa iba at palakasin ang simbahan, o mas nakatuon ka sa kung ano ang iyong natatanggap mula sa pagsamba? Sa tingin mo, saan nagmumula ang ganitong mindset?
• Sa tuwing ikaw ay nakikibahagi sa pagsamba, ikaw ba ay may malasakit sa iba at sensitibo sa magiging epekto ng iyong mga pagkilos sa kabuoang pamilya ng Diyos? Bakit o bakit hindi?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo mas maihahanda ang iyong puso bago magsamba, na nakatuon sa pagpapalakas ng katawan ni Kristo kaysa sa pagtanggap lamang?
• Sa anong mga praktikal na paraan maaari kang maging mas sensitibo sa mga pangangailangan sa ating sama-samang pagsamba, na tinitiyak na ang iyong mga kilos ay nagtataguyod ng kaayusan at kapayapaan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon para sa kaloob ng pagsamba na naglalapit sa atin sa Kanya at nagpapatibay sa Kanyang simbahan. Magpasalamat sa Kanya sa pagkakataong magtipon bilang isang pamilya ng mga mananampalataya, kung saan mapapatibay natin ang isa’t isa at maranasan ang Kanyang presensya.
• Magsisi sa mga panahong pinahintulutan mo ang kaguluhan o pagiging makasarili na makagambala sa pagkakaisa ng ating pagsamba. Humingi ng kapatawaran sa mga sandali na hindi ka naging considerate sa iba o nabigong gamitin ang iyong mga spiritual gifts para sa ikabubuti ng simbahan. Ipanalangin ang mga pusong naghahangad na itaguyod ang kaayusan, kapayapaan, at pagmamahalan sa ating mga pagtitipon, upang ang ating pagsamba ay sumasalamin sa katangian ng ating Panginoon na Diyos ng kaayusan at kapayapaan at hindi ng kaguluhan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.