Ang Pagtugon sa Tawag ni Christ: Pakikibahagi sa Kanyang Mensahe at Gawain
Tinatawag ni Kristo ang bawat mananampalataya na makibahagi sa pagpapalaganap ng Gospel at bigyang-halaga ang pagbabahagi nito sa mga tao sa ating paligid. Ngayong Linggo, tatalakayin ni Pastor July David kung bakit dapat tayong maging handang tumugon sa panawagang ito at kung paano natin maibabahagi ang Gospel sa ating araw-araw na pamumuhay.
Christ calls every believer to do their part in spreading the Gospel and to prioritize sharing the good news of salvation with those around us. This Sunday, Ptr. July David discusses why we should be ready to answer this call and how we can effectively share the Gospel in daily life.
Read Today’s Scripture Passage
Mark 6:7-13
Life Group Discussion Guide
1. Start with a prayer
2. Engage one another (15-30 mins)
– May naranasan ka bang tinanggap mo ang isang responsibilidad kahit na sa tingin mo ay hindi ka pa handa? Anong nangyari?
3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Ano ang naging mensahe at layunin ng mga disciples sa kanilang misyon?
– Bakit inutusan ni Jesus ang mga disciples na huwag magdala ng maraming gamit sa kanilang paglalakbay? Ano ang gusto Nyang ituro sa kanila?
4. Engage the heart (15-20 mins)
– Naghihintay ka ba ng tamang panahon o kalagayan bago maglingkod? Anong kahinaan o kakulangan mo ang humahadlang sayo na maglingkod sa Diyos?
– Bukod sa salita, sa paanong paraan ipinakita ng mga disciples ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa o pagkilos? Ano ang humahadlang sa iyo na maging witness o saksi para kay Jesus nang tulad sa kanila, o kahit sa simpleng salita o gawa?
5. Engage the hands (15-20 mins)
– Masyado ka bang nabibigatan sa iyong paglilingkod sa Diyos? Pag-isipan kung dahil ba ito sa pag-asa mo sa iyong sariling lakas, pagpaplano, at resources imbes na magtiwala sa Diyos na gagabay at magbibigay. Ano ang kailangan mong bitawan upang matutong lubos na magtiwala sa Diyos?
– Masasabi mo bang available, teachable, at willing kang sumunod sa pagtawag ng Diyos? Bakit or bakit hindi? Ano ang isang hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo upang tumugon sa tawag ng Diyos sa paglilingkod and pagsasaksi?
6. Engage with God in prayer (20-30 mins)
– Purihin and Panginoon, na hindi Nya tayo tinatawag na maging perpekto kungdi ang maging handa lamang. Magpasalamat sa Kanyang pagtawag na puno ng grasya at sa pagkakataong maging kabahagi sa Kanyang mensahe at misyon. Purihin din Sya para sa Kanyang presensya na sumasama sa atin saan man tayo ipadala at sa kapangyarihang binibigay Nya upang maging saksi para sa Kanya.
– Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong ikaw ay nagdahilan, natakot, o naging abala sa sarili mong plano kaya hindi ka tumugon sa Kanyang tawag. Magsisi sa mga oras na nagtiwala ka sa sarili mong kakayahan imbes na sa Kanya. Manalangin na maituwid ang iyong landas, upang ikaw ay maging handang mamuhay ayon sa Kanyang kalooban—sa pananampalataya, katapatan, at kababaang-loob.
Would you like to try joining a Life Group session? Fill out our Contact Form and our Life Group Officer will get in touch with you shortly.
Tithes & Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.