Close

June 7, 2026

The Marks of a Blessed Life: Mga Bakas Ng Pinagpalang Buhay

The Marks of a Blessed Life: Mga Bakas Ng Pinagpalang Buhay

Ang tunay na pagpapala ay hindi nakasalalay sa mga pangyayari, kayamanan, o katanyagan — kundi sa buhay na nakaugat sa Diyos. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Michael Cariño ang tatlong bagay na kailangan para sa isang buhay na pinagpala: ang mga taong kailangan nating tanggihan, ang Salitang ating kinalulugdan, at ang resultang ating tatanggapin mula sa Diyos.

True blessing is not found in circumstances, wealth, or fame — but in a life rooted in God. This Sunday, Rev. Michael Cariño teaches us that the blessed life is defined by three things: the company we reject, the command we relish, and the consequence we receive from God.


Basahin sa Bibliya

Psalm 1

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Sino ang isa sa mga taong may malaking impluwensya sa buhay mo ngayon? Ano ang isang mabuting bagay na natutunan mo mula sa kanya?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Bakit nagsimula ang Psalm 1 sa mga dapat iwasan ng isang blessed na tao bago banggitin ang mga dapat gawin?
  • Paano inilarawan ang blessed na tao at ang wicked na tao gamit ang puno at ipa (chaff)?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Sino o ano ang pinakamalaking impluwensya sa pag-iisip mo ngayon (ang Salita ng Diyos, social media, mga kaibigan, kultura, etc.)? Anong mga boses o impluwensya ang unti-unti nang naging normal sa buhay mo kahit alam mong hindi ito nakakatulong sa relasyon mo sa Diyos?
  • Pagnilayan at ibahagi: Deeply rooted in Christ ka ba, o parang chaff na madaling matangay ng hangin? Bakit mo ito nasabi?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang impluwensya, content, habit, o relationship na kailangan mong limitahan, bantayan, o talikuran upang mas maprotektahan ang puso, isip, at kilos mo?
  • Anong practical step ang maaari mong gawin upang mas mapalalim ang personal mong relasyon sa Diyos, hindi lang ang kaalaman mo tungkol sa Kanya? Paano ka magiging mas intentional sa pagninilay ng Salita ng Diyos araw at gabi ngayong linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin at pasalamatan ang ating Ama sa langit dahil ang tunay na pagpapala ay hindi nakasalalay sa yaman, tagumpay, o kasikatan, kundi sa isang buhay na nakatanim at nakakapit sa Kanya. Pasalamatan Siya dahil patuloy Niya tayong ginagabayan, inaalagaan, at pinalalago sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Magpasalamat kay Jesus Christ, ang perpektong Matuwid na Tao, na nagtagumpay kung saan tayo nabigo upang tayo ay mapatawad, mabago, at maitanim sa tabi ng buhay na tubig. Purihin Siya dahil nakikita Niya, kilala Niya, at ginagabayan Niya ang landas ng mga nagtitiwala sa Kanya.
  • Magsisi sa mga pagkakataong mas pinakinggan mo ang mga tinig ng mundo kaysa sa tinig ng Diyos. Humingi ng tawad sa mga impluwensya, gawain, o relasyon na unti-unting naglalayo ng puso mo mula sa Panginoon at nagpapahina ng iyong conviction. Ipagtapat mo ang mga panahong naging mababaw ang ugat ng iyong pananampalataya at mas nagtiwala ka sa sarili mong karunungan kaysa sa Salita ng Diyos. Hilingin mo na bigyan ka ng Panginoon ng pusong nagagalak sa Kanyang Salita, mas malalim na pagmamahal kay Christ, at katatagang manatiling nakaugat sa Kanya anuman ang panahon o pagsubok na dumating sa iyong buhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.