Close

September 29, 2024

Masayang Tahanan: Cultivating Joy in the Family

Ang tunay na kaligayahan ng isang pamilya ay nagmumula sa Diyos. Sa linggong ito, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño na ang masayang tahanan ay nakaugat sa pag-asa at pagmamahal na kaloob ng ating Panginoon.

The true joy of a family comes from God. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that a happy home is rooted in hope and love, which are gifts from our Lord.


Basahin sa Bibliya

Philippians 1-4

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang expectation mo sa iyong pamilya na nabigo ka. Paano mo ito hinarap?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang mga talata. Paano humahantong ang pag-place ng hope sa Diyos sa isang masayang family life? Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos sa harap ng kawalan ng katiyakan? 
• Maghanap ng mga halimbawa sa Bible na nagpapahiwatig kung ano ang itsura ng healthy at hindi healthy na mga boundaries at joy sa pamilya.
 

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Gaano mo kadalas sinusubukang kontrolin ang mga sitwasyon o mga tao sa iyong pamilya sa halip na magtiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi mo kontrolado?
• Mayroon ka bang sama ng loob, bitterness, o hindi pagpapatawad sa iyong puso sa kahit sino man sa pamilya mo na maaaring humahadlang sayo na makaranas ng kagalakan? Paano ka naglalagay ng healthy boundaries upang mas mahalin mo ang iyong pamilya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa mga sandali ng pagkabalisa o kawalan ng katiyakan, anong mga pagkilos ang maaari mong gawin upang palayain ang kontrol at ilagay ang iyong pag-asa sa Diyos?
• Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong pamilya sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kanilang emotions, at anong mga boundaries ang kailangan mong ilagay upang mapanatili ang isang healthy at joyful na relasyon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa pagiging tunay na pinagmumulan ng kagalakan na higit sa ating mga kalagayan at relasyon. Magpasalamat sa Kanya sa kaloob na pamilya at sa kagalakang dulot ng pagtitiwala sa Kanya. Magalak sa Kanyang pag-ibig na nagbubuklod sa atin, at para sa kapayapaang ibinibigay Niya kapag inilalagay natin ang ating pag-asa at pagtitiwala sa Kanya.
• Magsisi para sa mga panahong umasa ka sa mga tao o mga pangyayari upang magdulot sa iyo ng kagalakan, sa halip na mahanap ang iyong tunay na kasiyahan kay Kristo. Humingi ng kapatawaran sa pagsisikap na kontrolin ang mga sitwasyon o iba, sa halip na magtiwala sa Diyos sa mga resulta. Ipanalangin na linisin ng Diyos ang iyong puso ng sama ng loob, hinanakit, o hindi pagpapatawad, at tulungan kang linangin ang puso ng pasasalamat at pagmamahal sa iyong mga relasyon, lalo na sa loob ng iyong pamilya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.