Close

September 15, 2024

Don’t Speak

Ang kaloob at gawain ng Propesiya ay ang pagpapalinaw ng katotohanan ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Renz Raquion na isaalang-alang ang tawag ni Paul na maghangad na gawing malinaw ang Gospel sa lahat, sa ngalan ng pag-ibig.

The gift and work of Prophecy is the clarification of God’s truth in our daily lives. This week, Ptr. Renz Raquion urges us to follow Paul’s call by striving to make the Gospel clear to everyone in the name of love.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 14:1-25

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang worship service na hindi mo naranasan ang mapagmamahal, nakapagpapatibay, at maayos na pagsamba. Paano ito nakaapekto sa iyong kaugnayan sa Diyos?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata at balikan ang mga nakaraang kabanata. Bakit naglalaan si Paul ng maraming oras sa pagtugon sa mga spiritual gifts?
• Paano inihambing ni Paul ang paggamit ng mga tongues at propesiya sa pampublikong pagsamba? (vv.14-15)

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Paano ka nakaka-contribute upang matiyak na ang ating pagsamba ay taimtim at madaling intindihin?
• Paano mo ginagamit ang iyong mga spiritual gifts upang patatagin ang komunidad ng simbahan? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang isang pagkakataon sa linggong ito kung saan gagamitin mo ang salita ng Diyos upang i-encourage ang isang taong may pinagdadaanan. Paano mo maipapakita ang pag-ibig ng Diyos?
• Sa simbahan man o sa iyong mga nakakasalamuha araw-araw, paano mo sisimulang gawing mas madaling unawain ang iba at madama nila ang pagmamahal at presensya ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang pagnanais na makipag-usap sa atin nang malinaw at para sa kaloob ng propesiya na nagpapahintulot sa atin na maunawaan ang Kanyang puso at katotohanan. Ipagdasal na gawin kang isang pagpapala sa kabuoang katawan ni Kristo kapag nagtitipon kayo para sa pagsamba at na patnubayan ka Niya upang malaman kung kailan magsasalita at kung kailan dapat manahimik, laging may pagmamahal para sa iyong mga kapatid kay Kristo.
• Pagsisihan ang mga panahong inuuna mo ang iyong sariling pagpapatibay (edification) kaysa sa pagpapatibay ng simbahan. Humingi ng kapatawaran para sa mga sandali na ang iyong mga salita o kilos sa pagsamba ay nagdulot ng kalituhan o pagkakawatak-watak. Manalangin para sa isang puso na nagbabahagi ng Salita ng Diyos nang may pagmamahal at kalinawan, upang ang iyong mga salita ay laging sumasalamin sa puso ng Diyos na nagbibigay ng kalakasan at kaginhawaan sa iba.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.