Without Love, Walang Tatagal Na Kagalingan Sa Akin
Hindi nasusukat ang tunay na kadakilaan natin batay sa espiritwal na katayuan o gifts. Sa linggong ito, ipapaliwanag ni Rev. Mike Cariño na ang pag-ibig ang siyang tunay na pamantayan ng kadakilaan dahil ito ay walang-hanggan, kumukumpleto sa atin, at mas matindi kaysa sa ating mga spiritual gifts.
True greatness is not measured by our spiritual status or by our talents. This week, Rev. Mike Cariño explains that the true standard of greatness is love because it is eternal, it completes us, and it surpasses all of our talents.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 13:8-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung ano ang itsura ng lasting greatness. Naaayon ba ito sa totoong batayan ng greatness (love)?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit at kailan titigil ang mga spiritual gifts (vv.9-10)? Maglista ng mga talata sa Bible tungkol sa layunin ng mga spiritual gifts. Sa anong paraang natupad o hindi natupad ang mga layunin nito?
• Sa iyong sariling mga salita, ipaliwanag kung bakit ang love ay higit sa mga gifts (v.13).
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Isaalang-alang ang iyong personal na spiritual na paglago. May mga ugali, isip, at kilos bata ka ba na kailangan mong bitawan para mas magmahal ng lubos?
• Paano nakakaapekto ang katotohanan na ang love ang tanging permanente sa iyong mga values at pagkikilos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong mga sitwasyon mo binabatay ang iyong galing sa iyong mga spiritual gifts, spiritual maturity, at spiritual na kumpyansa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin para matiyak na hindi ka umaasa sa mga ito?
• Isipin ang isang tao sa iyong buhay na kailangang maranasan ang pangmatagalang epekto ng love. Paano mo sasadyaing ipakita sa kanya ang natatanging pagmamahal na galing sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa Kanyang perpektong pag-ibig na hindi nagwawakas at nananatiling hindi nagbabago sa lahat ng panahon. Magpasalamat sa Kanya sa pagpapakita sa atin na ang love ay higit sa anumang spiritual gifts, spiritual maturity, o spiritual na kumpyansa na maaari nating makamit. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa pagmamahal na kumukumpleto sa atin, na nagpapabuo sa atin kahit na kulang ang ating mga kakayahan at kaalaman.
• Pagsisihan ang mga panahong nagtiwala ka sa iyong spiritual gifts, spiritual maturity, o spiritual na kumpyansa kaysa sa Kanyang pagmamahal. Humingi ng kapatawaran sa pag-asa sa pansamantala at pagkabigong unahin ang pagmamahal na walang hanggan. Ipagdasal na maipasa-Diyos mo ang iyong pagiging mapagmataas, mga paraan ng pagiging bata, at pag-asa sa sarili, at ituloy ang isang buhay na minarkahan ng Kanyang walang hanggang pag-ibig.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.