Karunungan at Kayamanan
Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na kung ang ating kaligayahan ay nakasalalay sa kung gaano kalaki o kaliit ang ating kayamanan at pera, hindi natin lubusang mai-enjoy ang maikli nating buhay sa mundo.

Masaya ka ba sa buhay mo? Pagod ka na ba sa araw-araw na pagtatrabaho at pagkayod para magkaroon ng kabuhayan? Ngayong linggo, ituturo sa atin ni Ptr. Allan Rillera pano maging wise or marunong sa buhay. Huwag natin hayaang nakawin ng mga alalahin ng mundo ang ating kasiyahan. Matuto tayong i-enjoy ang araw-araw kasama ang Diyos.
Naniniwala ka ba na “God has made everything beautiful in His time?” Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na magtiwala sa Diyos sapagkat mayroong dahilan ang bawat pangyayari sa ating mundo.
Kapag pilit nating hinahanap ang kaligayahan mula sa mga bagay na matatagpuan sa mundong ito, tila lalong nawawalan ng saysay at katuturan ang buhay. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na ituon ang ating paghahanap ng kaligayahan sa Panginoon. Siya lang ang tanging makapagbibigay ng kabuluhan sa ating mga buhay.