Close

November 1, 2026

Living Secure and Sheltered in God: Kapanatagan Dahil Ang Diyos Ang Ating Kanlungan

Living Secure and Sheltered in God: Kapanatagan Dahil Ang Diyos Ang Ating Kanlungan

Paano tayo mananatiling ligtas at panatag sa gitna ng mga pagsubok? Ngayong Linggo, tatalakayin ni Rev. Michael Cariño kung paano tayo makakahanap ng kapanatagan kapag nananahan tayo sa presensya ng Diyos, nananatili sa ilalim ng Kanyang pag-iingat, at nananalig sa Kanyang mga pangako.

How can we stay safe and secure in the midst of trials? This Sunday, Rev. Michael Cariño shows how we find a sheltering peace when we dwell in God’s presence, remain under His protection, and rely on His promises.


Basahin sa Bibliya

Psalm 91

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Kung may isang bagay kang gustong maging assurance mo habang hinaharap mo ang uncertainties ng buhay, ano iyon at bakit? Paano nito naaapektuhan ang paraan ng pagharap mo sa mga challenges?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang psalm. Ano ang pagkakaiba ng pagbisita lamang sa Diyos at ng tunay na pananatili sa Kanya?
  • Itinuturo ng psalm na maaari tayong magtiwala sa Diyos kahit may mga panganib at pagsubok. Paano naiiba ang tunay na pananampalataya sa paniniwalang hindi na tayo makakaranas ng difficulties kapag nagtitiwala tayo sa Diyos?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Kapag hindi nangyayari ang mga bagay ayon sa inaasahan mo, paano naaapektuhan ang pagtitiwala mo sa kabutihan at katapatan ng Diyos? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa iyong relasyon sa Diyos?
  • Sa anong bahagi ng iyong buhay nahihirapan kang magtiwala sa mga pangako ng Diyos dahil hindi mo nauunawaan ang Kanyang mga pamamaraan o kung bakit Niya pinahihintulutan ang ilang bagay?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang praktikal na hakbang na maaari mong gawin upang mas manatili sa presensya ng Diyos (maaaring sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang Salita, pananalangin, worship, pagsunod, o pakikipag-fellowship sa ibang mananampalataya)?
  • Sino sa iyong pamilya, Life Group, o kaibigan ang dumaraan sa matinding pagsubok ngayon? Paano mo siya matutulungang maalala ang presensya, katapatan, at mga pangako ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Praise our Almighty God dahil Siya ang ating kanlungan, takbuhan, at tagapagtanggol sa lahat ng panahon. Thank Him for His faithful presence, protection, at mga pangakong nagbibigay sa atin ng kapanatagan kahit may mga pagsubok at uncertainties sa buhay. Magpasalamat sa Kanyang grace at sa kaligtasang tinanggap natin kay Jesus. Mag-rejoice dahil hindi nakadepende sa tahimik o maayos na sitwasyon ang ating kapanatagan, kundi sa character at katapatan ng Diyos na hindi tayo iniiwan sa gitna ng kaguluhan.
  • Pagsisihan ang mga pagkakataong mas umasa ka sa sarili mong lakas, kontrol, o sa mga bagay sa mundo kaysa sa Diyos. Ask for forgiveness sa mga pagkakataong hinayaan mong manaig ang takot, pag-aalala, at pagdududa sa halip na ilapit ang mga ito sa Kanya. Pray that you may grow in your love for God, know Him more deeply through His Word and prayer, and faithfully obey His will. Hilingin na matuto kang magtiwala sa Kanyang character, presensya, at mga pangako kahit hindi mo lubusang nauunawaan ang lahat ng Kanyang pinapahintulutan, at manatiling panatag dahil Siya ang iyong kanlungan sa bawat pagsubok.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.