Bakit mahalaga na sinusunod natin ang gobyerno bilang mga Kristiyano? Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Nathan Tee ang layunin ng Diyos sa pagtatatag ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan.
Bilang anak ng Diyos, dapat maging tunay at tapat ang ating pag-ibig sa ating kapwa. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na ituon ang ating mga puso sa pag-ibig ng Diyos na ‘syang magbibigay sa atin ng kakayahang mahalin ang bawat isa, maging ang mga taong hindi sumasang-ayon sa atin.
Mayroong mga pagkakataon na tayo’y mapagmataas habang naglilingkod sa simbahan. Itong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño na ang Gospel ang magbabago at magtuturo sa atin kung paano gamitin ang mga biyaya at kakayahang handog ng Diyos upang paglingkuran Siya.
Paano ba natin mababago ang ating mga sarili upang maging katanggap-tanggap sa Diyos? Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño na ang susi tungo sa pagbabago ng ating puso, isip, at pangangatawan ay ang kapangyarihan ng Gospel.