Nakakarelate tayo sa kwento ng pagpapagaling ni Hesus sa isang ketongin, dahil tayo rin ay desperadong mapagaling at mapalaya mula sa ketong ng ating kasalanan. Sa linggong ito, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang pag-ibig at habag ni Jesus para sa lahat ng kumikilala sa kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas at lumalapit nang may pananampalataya upang humingi ng kagalingan at kalayaan.
Read More
Malinaw kay Hesus ang Kanyang layunin at misyon sa mundo. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Pastor Joseph Ouano kung paano nanatiling matatag ang ating Panginoon sa Kanyang misyon sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Kanyang Ama at pagtuon sa dahilan ng Kanyang pagparito.
Read More
May kapangyarihan ang Gospel na mapagtagumpayan ang anumang hadlang sa pamamagitan ng banal na awtoridad ni Kristo, ang ating Tagapagligtas at Hari. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano ang kakayahan ni Jesus na magpalaya ay higit sa anumang makamundong sistema, impluwensya ng demonyo, o pisikal na limitasyon.
Read More
Tinatawag ni Kristo ang bawat mananampalataya na maging Kanyang disipulo. Sa linggong ito, ipinapaalala sa atin ni Ptr. July David na kapag tayo’y inanyayahan ni Kristo na sumunod sa Kanya, binabago Niya tayo upang maging tagapagdisipulo ng iba at pinagkakalooban Niya tayo ng mas mataas na layunin na mamuhay para sa Kanya.
Read More