Close

May 11, 2025

Ang Mga Parable ng Kaharian ng Diyos

Maaring maliit at hindi gaanong mahalaga ang Kaharian ng Diyos para sa ilan, ngunit ito ay patuloy na lumalago at umuunlad sa tamang panahon at kapangyarihan ng Diyos. Sa linggong ito, ipinaalala sa atin ni Ptr. Joseph Ouano na ang Diyos ay aktibong kumikilos. Gampanan natin ang ating tungkulin sa pagpapalaganap ng Kanyang Salita at pagtatayo ng Kanyang Kaharian hanggang sa ito ay umabot sa ganap na kaluwalhatian.

The Kingdom of God may seem small and insignificant to some, but it is ever growing and maturing in God’s time and by His power. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that God is actively at work. Our role is to faithfully share His Word and do our part to build His Kingdom until it reaches its full glory.


Basahin sa Bibliya

Mark 4:26-32

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Naranasan mo bang maghintay sa resulta ng isang bagay na ipinag-pray o ginawa mo para sa Diyos? Paano ka nagtiwala sa proseso?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang itinuturo ng dalawang parable tungkol sa Kaharian ng Diyos?
• Paano lumalago ang Kaharian ng Diyos at sino ang responsable sa bawat bahagi ng proseso?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ikaw ba ay tapat sa pagtatanim ng Salita ng Diyos kahit mukhang maliit o walang bunga sa simula? Ano ang saloobin mo sa ganitong mga sitwasyon?
• Nagtitiwala ka ba sa proseso ng Diyos kahit hindi mo agad nakikita ang bunga ng iyong ginagawa? O may mga panahon ba na nainip ka o nadismaya dahil parang walang nangyayari sa iyong pagsunod sa Diyos? Ibahagi ang iyong saloobin.

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo maipapakita ang pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi mo kontrolado—sa pamilya, ministry, o personal na paglago?
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ngayong linggo upang magtanim ng Salita ng Diyos sa buhay ng ibang tao?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na tapat at makapangyarihan sa lahat. Pasalamatan Sya sa Kanyang kaharian na bagama’t nagsimula sa maliit, ay lumalago ayon sa Kanyang plano at kapangyarihan. Magpasalamat sa pribilehiyong makibahagi sa Kanyang gawain, at sa katiyakang tutuparin Nya ang Kanyang layunin sa tamang panahon.
• Magsisi sa mga panahon na pinangunahan mo ang Diyos o pinanghinaan ka ng loob dahil hindi mo agarang nakikita ang bunga. Humingi ng tawad sa pagtitiwala sa sariling kakayahan sa halip na sa kapangyarihan Nya. Idalangin na bigyan ka Nya ng pusong matyaga, mapagpakumbaba, at tapat sa pagtatanim at paghihintay sa Kanyang pagkilos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.