Ang Pananalig Kay Jesus Who Calms Our Storms
Hindi ipinangako ng Diyos ang isang buhay na walang problema; ngunit ipinangako Niya na kailanma’y hindi Niya tayo iiwan o pababayaan. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Ptr. July David na habang binabagtas natin ang mga unos ng buhay, makakahanap tayo ng katiyakan sa presensya, kapayapaan, at kapangyarihan ni Jesus.
God never promised us a trouble-free life, but He did promise that He would never leave us or forsake us. This Sunday, Ptr. July David reminds us that as we navigate life’s storms, we can find assurance in the presence, peace, and power of Jesus.
Basahin sa Bibliya
Mark 4: 35-41
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Naranasan mo na bang malagay sa isang sitwasyon na pakiramdam mo wala kang kontrol? Ano ang nangyari at paano ka tumugon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa presensya at kapangyarihan ni Jesus sa gitna ng panganib?
• Bakit mahalagang tandaan na si Jesus mismo ang nagyaya sa mga disciples na tumawid sa kabilang side ng lake? Anong aral ang matututunan natin mula dito kapag sumusunod tayo sa Kanya?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa mga panahong parang tahimik ang Diyos, ano ang kadalasang nararamdaman mo? Paano mo ito hinaharap?
• Mag-reflect sa bahagi ng buhay mo na parang nawalan ka ng kontrol. Sa pagkakataong iyon, nagtitiwala ka ba sa kapangyarihan ni Jesus o sinusubukan mong solusyunan ito mag-isa? Saan nanggagaling ang pagtugon na ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong hakbang ang maaari mong gawin ngayong linggo para ipakita ang pagtitiwala mo sa presensya, kapayapaan, at kapangyarihan ni Jesus sa gitna ng iyong pinagdadaanan?
• Anong mga talata, katotohanan, at pangako sa Bible ang makakatulong sa iyo na manatiling matatag sa tuwing pakiramdam mong tahimik ang Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihiin ang Diyos dahil lagi Nya tayong sinasamahan sa gitna ng ating mga bagyo. Magpasalamant sa Kanyang presensya na hindi nawawala, sa Kanyang kapayapaang higit sa ating pang-unawa, at sa Kanyang kapangyarihang higit sa anumang problema. Magpasalamat din na kahit sa gitna ng takot, kalituhan, at pagod, si Jesus ay tapat na Kanlungan at Tagapagligtas.
• Humingi ng kapatawaran para sa mga panahong pinili mong umasa sa iyong sariling lakas kaysa magtiwala sa Diyos. Magsisi sa mga pagdududa mo sa Kanyang malasakit kapag nahaharap ka sa pagsubok. Ipagdasal na magkaroon ng mapagkumbabang puso na matutong magtiwala at manalig sa Kanya, hindi lang sa mga bagyo, kungdi sa bawat araw ng iyong buhay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.