Ang Pakikinig Sa Message Ni Christ At Ang Kingdom That Is No Longer Hidden
Dating nakatago ngunit ngayo’y ganap nang inihayag at bukas para sa lahat ang Mabuting Balita ni Hesus. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Michael Cariño na ituon at payabungin ang ating mga puso sa Salita ng Diyos—upang mas lalo nating maunawaan si Hesus, mas maisabuhay ang Kanyang liwanag, at makapagdulot ng tunay na paglago at pagbunga para sa Kanyang Kaharian.
The Good News of Jesus that was previously hidden is now fully revealed and available to all. This Sunday, Rev. Michael Cariño urges us to focus and enrich our hearts with the Word of God. May we deepen our understanding of Jesus, live out His light more fully, and bring about true growth and fruitfulness for His Kingdom.
Basahin sa Bibliya
Mark 4: 21-25
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
– May pagkakataon na ba sa buhay mo na ang isang verse o talata ng Salita ng Diyos na hindi mo maintindihan dati ay biglang naging malinaw sa’yo? Ano ang nakatulong sa iyong pagintindi?
3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Bakit hindi dapat itago ang ilaw? Ano ang kahulugan nito sa konteksto ng mensahe ni Christ?
– Ano ang dapat gawin ng isang taong nahihirapan intindihin ang Salita ng Diyos ayon sa kabuuang mensahe?
4. Engage the heart (15-20 mins)
– Sa ngayon, pinapahintulutan mo ba ang Salita ng Diyos na maging liwanag sa buhay mo? O may mga bahagi ng buhay mo na ayaw mong bigyang liwanag ng ilaw ng Diyos?
– Pagdating sa Salita ng Diyos, paano ka tumutugon bilang tagapakinig—masigasig at masunurin, o nag-aalinlangan at namimili ng gustong pakinggan? Bakit?
5. Engage the hands (15-20 mins)
– Ano ang isang konkretong hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo upang mas pagtuunan ng pansin ang Salita ng Diyos at isabuhay ito?
– Sino sa buhay mo ang may kailangan ng liwanag ng Salita ng Diyos? Paano mo siya matutulungan ngayong linggo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
– Purihin ang Diyos dahil ang Mabuting Balita ni Christ na dati ay nakatago ay ngayo’y naihahayag para sa lahat. Magpasalamat dahil binigyan Nya tayo ng kakayahang makinig at makaunawa. Ipagsaya na ang liwanag ng Salita ng Diyos ay patuloy Nyang ibinubunyag sa mga pusong handang tumanggap.
– Magsisi sa mga pagkakataong hindi mo sineryoso ang pakikinig sa Salita ng Diyos—kapag pinakinggan mo lang ito pero hindi sinunod, o kapag pinili mo lang ang mga bahaging gusto mo. Humingi ng tawad kung naging pabaya ka sa pagbabahagi ng liwanag ng Diyos sa iba. Idalangin na magkaroon ka ng puso na sabik sa Katotohanan at handang magbunga para sa Kanyang kaharian.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.