Close

July 6, 2025

Ang Paninindigan Para Kay Christ: By Life or By Death

Hindi laging madali ang pagsunod kay Hesus. Sa katunayan, madalas tayong nahaharap sa mga hamong nangangailangan ng lakas ng loob upang panindigan ang mga katangian ni Kristo kaysa sa mga pinahahalagahan ng mundo. Ngayong Linggo, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang mga katangiang dapat taglayin ng bawat disipulo na tapat na sumusunod kay Kristo.

Following Jesus is not always easy; in fact, we often face challenges that require the courage to uphold Christ’s virtues over those of the world. This Sunday, Rev. Mike Cariño discusses the qualities that we, as His disciples, should embody as we steadfastly follow Christ.


Read Today’s Scripture Passage

Mark 6:14-29

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula

2. Engage one another (15-30 mins)
– Ibahagi ang isang pagkakataon na kinailangan mong ipaglaban ang tama kahit hindi ito ang gusto ng nakararami. Anong nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang mga talata. Ano ang apat na katangian ng isang committed na disciple ni Christ? Bakit partikular Nyang binanggit ang apat na ito?
– Ano ang pagkakaiba ng pakikinig sa Salita ng Diyos at sa pagsunod sa Salita ng Diyos? Paano natin nakikita itong naisasabuhay ngayon?

4. Engage the heart (15-20 mins)
– Sa sarili mong buhay, sino ang mas madalas na nabibida—si Jesus o ang iyong sarili? Paano mo ito nasabi?
– May kasalanan ka bang kailangan harapin o ituwid, ngunit natatakot kang magsalita o kumilos? Anong bagay ang kailangan mong i-surrender upang si Jesus ang tunay na makita sa buhay mo?

5. Engage the hands (15-20 mins)
– Sa linggong ito, paano mo maisasabuhay ang meekness sa iyong pamilya, trabaho, o komunidad?
– Kanino ka tinatawag ng Diyos na magpakita ng courage, holiness, o sacrifice sa season ng iyong buhay ngayon?

6. Engage with God in prayer (20-30 mins)
– Purihin mo ang Diyos para sa buhay ni Jesus at ni John the Baptist na nagsilbing halimbawa ng kababaang-loob, katapangan, kabanalan, at sakripisyo. Pasalamatan mo Siya dahil binigyan ka Niya ng kalakasan, kaalaman, at mga oportunidad na makilala Siya at maglingkod sa Kanya. Magpasalamat dahil ang biyaya ni Christ ay sapat upang ikaw ay mamuhay nang may paninindigan, para sa Kanya, sa buhay man o sa kamatayan.
– Humingi ng kapatawaran sa mga panahon na mas pinili mo ang iyong sarili kaysa magbigay-karangalan kay Jesus. Humingi ng kapatawaran sa pagiging tahimik sa gitna ng kasalanan, sa pagsunod sa takbo ng mundo, at sa pagkatakot na mawala ang reputasyon o ginhawa. Ipanalangin na sa tulong ng Holy Spirit ay mabago ang iyong puso upang ikaw ay mamuhay nang may paninindigan para kay Christ.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes & Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.