Nagpapataw ng hindi kinakailangang pasanin ang legalismo sa pamamagitan ng higit na pagpapahalaga sa mga alituntunin kaysa sa relasyon sa pagitan ng mga tao. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano tumugon si Kristo bilang Panginoon ng Sabbath—pinairal Niya ang Kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa buhay ng Kanyang mga disipulo higit sa mga kautusang panrelihiyon noong panahong iyon.
Read More
Ang paghahanap sa Diyos sa pamamagitan lamang ng relihiyon ay madalas na humahantong sa kawalan ng pag-asa at desperasyon. Ngayong linggo, ipinaliwanag ni Ptr. Allan Rillera na ang tunay na kagalakan at pag-asa ay matatagpuan sa natatanging presensiya ni Hesus.
Read More
Hatid ng Mabuting Balita ni Hesus ang mensahe ng biyaya’t awa para sa lahat ng makasalanan. Bukas ito para sa lahat at walang itinatangi. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño na inaanyayahan ni Kristo ang lahat na sumunod sa Kanya. Tinatawag Niya tayong lahat—bagamat makasalanan—upang maging Kanyang kaibigan at makamtan ang kaligtasang tanging sa Kanya matatagpuan.
Read More
Katangi-tangi ang kwento ng pagpapagaling sa paralitiko dahil sa di-pangkaraniwang tugon ng pasyente, ng kanyang mga kaibigan, at ng Manggagamot. Ngayong linggo, tatalakayin ni Pastor Jared Co ang kakaibang pananampalataya at pagkilos na ikinagulat, ikinalito, at ikinamangha ng mga nakasaksi sa himalang ito.
Read More