Close

September 21, 2025

Ang Pinakamahalagang Tanong Ni Christ

Ang pagkakakilala ba natin kay Hesus ay batay lamang sa sabi-sabi ng iba, o nakaugat sa isang personal na ugnayan sa Kanya? Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na huwag magpadala sa ingay ng mundo, kundi makinig sa tinig ng ating Tagapagligtas na nag-aanyaya sa atin na lubos Siyang kilalanin.

Is our understanding of Jesus based on hearsay, or is it rooted in a personal relationship with Him? This Sunday, Rev. Mike Cariño encourages us to rise above the confusing noise of the world and listen to the voice of our Savior who invites us to know Him intimately.


Basahin sa Bibliya

Mark 8:27-30

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Share a time na naniwala ka sa “sabi-sabi” pero sa bandang huli nalaman mong hindi pala ito totoo. Anong nangyari at ano ginawa mo nang nalaman mo ang katotohanan?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang sabi ng mga tao tungkol kay Jesus sa vv. 27–28? Bakit hindi sapat ang kanilang pagkakakilala kay Jesus?
• Magbigay ng mga halimbawa ng spiritual noise na tinuturo ng mundo ngayon tungkol kay Jesus na nagdudulot ng kalituhan sa tao. Bakit hindi nakakatulong o makatotohanan ang mga ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kapag tila gumuguho ang iyong buhay, hindi nasasagot ang iyong panalangin, o malaki ang sakripisyo sa pagsunod kay Jesus, sino Siya para sa iyo?
• Anong spiritual noise ang pinakanahihirapan kang i-tune out para mas marinig ang boses ng Diyos? Saan kaya ito nanggagaling?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong practical step ang pwede mong gawin this week para mas makilala si Jesus personally at hindi lang sa sabi-sabi ng iba?
• Paano mo pwedeng ma-encourage ang mga tao sa paligid mo na hindi lang makinig sa ingay ng mundo kundi hanapin ang tinig ng Diyos tungkol kay Kristo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit dahil hindi Niya tayo iniwan sa sabi-sabi ng mundo kundi ipinahayag Niya sa atin kung sino talaga si Jesus. Magpasalamat na Siya ang Christ, ang Messiah, ang Tagapagligtas, at Hari ng ating buhay. Pasalamatan Siya na sa Kanya nagkakaroon tayo ng bagong pagkatao, bagong relasyon, at bagong misyon.
• Magsisi sa mga pagkakataon na mas pinakinggan mo ang ingay ng mundo kaysa sa boses ng Jesus. Humingi ng kapatawaran kung minsan nakuntento ka sa kaalaman lang tungkol kay Jesus at hindi sa tunay na relasyon sa Kanya. Manalangin na ikaw ay magtiwala at magpasakop kay Kristo bilang Hari at Tagapagligtas, at hayaan na Siya ang humubog sa iyong buhay, prayoridad, at misyon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.

Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.