Close

Tagalog Service

Kung Nawala Ang Iyong Pag-ibig sa Diyos

Noong panahon ni Malachi, tinalikuran ng bansang Israel ang Diyos at pinagdudahan ang Kanyang pagmamahal dahil sa hirap ng kanilang kalagayan. Ngayong linggo, ipapakita sa atin ni Ptr. Mike Cariño na ang Diyos ay nananatiling tapat at nagmamahal sa kabila ng paglayo, pagkalimot, at pagtalikod ng mga tao. Tulad ng kanyang panawagan sa mga Israelites, tinatawag tayo ng Diyos ngayon na magbalik-loob sa Kanya—mahalin, galangin, sambahin at pagkatiwalaan Siya.

Read More

Peter: Nagkamali, Nabigo, Pero Nakabangon

Bagaman ang apostol na si Peter ay nagkamali at nabigo, hindi ito ang nagdikta ng kaniyang katauhan. Sa katunayan, ang kaniyang buhay ay nagsilbing katibayan kung gaano natin kailangan ang Diyos at ang Kaniyang kakayahang baguhin tayo. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na, katuwang ang ating Diyos na mabuti at maawain, may mensaheng mapupulot sa ating kaguluhan, may pag-asa ng tagumpay sa gitna ng pagsubok, at may tapat na pananampalatayang magbubunga mula sa ating mga kabiguan.

Read More

John the Baptist: Kapag Nayayanig ang Iyong Pananalig

Bilang mga Kristiyano, may mga pagkakataong nayayanig ng mga katanungan, kabiguan, at kahirapan ang ating pananampalataya—tulad ng naranasan ni John (the Baptist). Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na dalhin sa Panginoon ang ating mga hinaing, tanong, at tampo sapagkat Siya ay mapagkakatiwalaan at may kapangyarihang pag-ibayuhin ang ating pananalig.

Read More

Isaiah: Buhay na Binago nang Makita ang Diyos

Isang matinding karanasan ang tuluyang bumago sa buhay ni propeta Isaiah. Sa isang vision, nakita niya ang Diyos – nakaupo sa trono sa buong kaluwalhatian ng Kanyang kabanalan. Ngayong linggo, inaanyayahan tayo ni Ptr. Joseph Ouano na pag-isipan kung ang ating sariling mga tagpo sa banal na Panginoon ay nakapagdulot ng matitinding pagbabago sa ating mga buhay.

Read More