Makikita natin sa buhay ni Joseph ang isang uri ng tagumpay na hindi nakabatay sa kalagayan o katayuan sa buhay. Sa mensaheng ito, ibinabahagi ni Ptr. Joseph na ang tunay tagumpay ay nasa Panginoon. Tayo ay manatili sa Diyos at maging tapat sa lahat ng ipinagkatiwala Niya sa atin.
Read More
Si Abraham ay kilala natin ngayon bilang ama ng maraming bansa at ng mga mananampalataya. Ang kanyang buhay ay testimonya ng katapatan ng Panginoon kung susundin natin ang Kanyang mga nais sa kabila ng mga hamon at pagsubok. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na pagtibayin ang ating pananampalataya at pagsunod sa Diyos dahil Siya ay tunay na mabuti at mapagkakatiwalaan.
Read More
Yaman, dunong, kakayanan, at lakas…lahat ng ating pinanghahawakan sa buhay na ito ay maaaring maglaho sa isang iglap. Sapamamagitan ng Psalms 125, ipinapaalala sa atin ni Ptr. Micahel Cariño na tanging sa Panginoon natin masusumpungan ang tunay na kasiguruhan at katatagan sa buhay.
Read More
Paano mo ilalarawan ang Diyos? Siya ba ay malayo at walang pakialam? Magagalitin at bantay-sarado sa mga pagkakamali? Mataas at mahirap abutin? Sa mensahe ni Ptr. Mike Cariño, makikilala natin ang tunay na larawan ng Diyos dahil kay Hesus. Ang Diyos ay ang mapagmahal na Tatay na may pusong mapagbigay, mabuti, at maawain.
Read More