Close

November 2, 2025

Ang Panawagan Ni Christ to Live in Holiness

Ang tunay na pagsunod kay Jesus ay nagbubunga ng kabanalan, hindi lamang ng kaligayahan. Ang mananampalatayang namumuhay nang matuwid ay nakalulugod sa Diyos at sa kapwa. Ngayong Linggo, ipinaaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na ang tunay na alagad ni Kristo ay maingat sa kanyang impluwensya, umiiwas sa tukso at kasalanan, at nagdudulot ng pagkakaisa at mabuting ugnayan sa kapwa.

Following Jesus should lead to holiness, not just happiness. A believer who lives righteously pleases both God and their neighbor. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that true discipleship involves choosing to guard our influence, removing what corrupts us, and fostering harmonious relationships.


Basahin sa Bibliya

Mark 9:42-50

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Mag-isip ng isang tao na nakapagimpluwensya sayo na mas lumapit sa Diyos? Ano ang ginawa nila na nakaapekto sayo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit sinabi ni Jesus na mas mabuting itapon sa dagat na may millstone kaysa maging dahilan ng pagkatisod ng iba (v.42)?
• Ano ang kahulugan ng asin (vv.49-50)? Paano ito konektado sa pagiging banal at pagkakaroon ng magandang kaugnayan sa kapwa?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Are you lifting others up in faith or quietly pulling them down? Paano mo pinapakita ang integridad sa mga taong nakakakita ng iyong buhay, lalo na sa mga baguhan at lumalago sa faith?
• Anong mga bagay ang pinapayagan mong manatili sa buhay mo na unti-unting nagpapalayo na pala sayo sa kabanalan at sa Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo mapo-protektahan ang faith ng iba sa pamamagitan ng iyong mga salita at gawain ngayong linggo?
• Paano ka magiging asin na nagbibigay-lasa (isang Kristiyanong nagdadala ng kapayapaan at magandang impluwensya) sa iyong pamilya, kaibigan, o komunidad?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin mo ang Panginoon na tumawag sa atin hindi lang para maging masaya kungdi maging banal. Pasalamatan Siya dahil sa Kanyang biyaya na nagtutuwid, naglilinis, at nagpapatatag ng ating pananampalataya. Magpasalamat na ginagamit Niya ang ating buhay upang maging asin at ilaw sa iba—isang buhay na nakalulugod sa Kanya at nagdadala ng kabutihan sa kapwa.
• Pagsisihan ang mga pagkakataong naging dahilan ka ng pagkatisod ng iba. Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga bahagi ng buhay mong piniling kumapit sa kasalanan imbes na sumunod sa Kabanalan Niya. Manalangin na alisin Niya ang anumang nagpapahina ng iyong impluwensya at palitan ito ng pusong masunurin, dalisay, at mapayapa sa Kanyang harapan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.