Si Christ ay Nag Suffer at Namatay Para sa Akin—So What Am I Living For?

Inako ni Kristo ang pagdurusa — ang sakit, pagtanggi, at kamatayan — na dapat ay para sa atin. Dahil sa Kanyang sakripisyo, naibigay sa atin ang kaligtasan at ang pag-asa ng buhay na walang hanggan. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Pastor Allan Rillera na mabuhay para kay Kristo, sumunod sa Kanya nang buong puso, at tuparin ang Kanyang layunin sa ating buhay.
In our place, Christ endured suffering, bearing the pain, rejection, and death that we deserved. Through His sacrifice, we have salvation and the hope of eternal life. This Sunday, Pastor Allan Rillera urges us to live for Christ, follow Him steadfastly, and fulfill His purpose for our lives.
Basahin sa Bibliya
Mark 15:21-47
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Maigisip at ibahagi ang isang tao na nagsakripisyo o nagsuffer para sa iyo. Paano nito naapektuhan ang pananaw mo sa kanila at sa iyong sarili?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang sinisimbolo ng pagkahati ng tabing ng templo nang mamatay si Hesus?
- Paano ipinakita sa passage na ang kamatayan ni Hesus ay hindi aksidente kungdi bahagi ng plano ng Diyos?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Anong mga kasalanan o makamundong gawain ang patuloy mong ipinagdadahilan sa halip na tunay na isuko kay Kristo?
- Sa anong mga paraan mo minsan tine-take for granted ang sakripisyo ni Hesus sa Krus?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Ano ang isang praktikal na hakbang na pwede mong gawin this week upang talikuran ang isang kasalanan o kompromiso na matagal mo nang tinatago?
- Paano mo maipapakita sa pang-araw-araw mong buhay na hindi ka na nabubuhay para sa sarili mo kungdi para kay Kristo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin at pasalamatan ang Diyos Ama dahil ipinadala Niya si Hesus upang akuin ang sakit, kahatulan, at kamatayang nararapat para sa atin. Magpasalamat dahil sa Krus, hindi tayo naalipin ng kasalanan at wala nang kahatulan para sa mga na kay Kristo. Purihin Siya dahil kahit hindi tayo karapat-dapat, tinanggap Niya tayo, nilinis, nilapit, at binihisan ng katuwiran sa pamamagitan ni Hesus. Magalak dahil binuksan ni Kristo ang daan upang makalapit tayo sa Diyos at mabigyan ng bagong buhay.
- Magsisi sa mga oras mas pinili mong panghawakan ang kasalanan kaysa isuko ito kay Kristo. Humingi ng tawad sa pagbabalewala sa sakripisyo ni Hesus habang patuloy na namumuhay sa dating paraan. Ikumpisal ang pagiging mapagmataas, makasarili, at kawalan ng paniniwala sa iyong puso na pumipigil sa iyo na lubusang ialay ang buhay mo sa Diyos. Ipanalangin na tulungan kang mamuhay hindi para sa sarili kungdi para kay Kristo na nagdusa at namatay upang magkaroon ka ng tunay at bagong buhay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
