Gaano na lamang kahabag-habag ang ating mga buhay kung mawawala ang pag-asa ng buhay na walang hanggan? Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, hinikayat tayo ni Ptr. Mike Cariño magtanong: Kung si Hesus ay muling nabuhay mula sa kamatayan, ano ang bisa at kabuluhan nito sa aking buhay?
Read More
Natatabunan ba ng takot at pangamba ang iyong mga ngiti dahil sa mga kasalukuyang pangyayari? Hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na hanapin ang tunay na ligaya sa Panginoon. Tandaan natin na ang Diyos na nagpamalas ng Kanyang kabutihan sa nakaraan ay Siya pa ring may hawak ng ating kapakanan sa darating pang mga araw.
Read More
Bagaman lahat tayo ay nagnanais na maging matagumpay, umaasa tayo sa iba’t ibang bagay upang makamit ito. Sa pamamagitan ng Psalm 127, ipinapaalala ni Ptr. Allan Rillera na hindi makakamit ang tunay na tagumpay kung wala sa Panginoon ang ating pagtitiwala.
Read More
Nagtago si David sa isang kweba noong kinailangan niyang tumakas mula kay Saul. Sa lugar na iyon nailabas niya ang nararamdamang takot at doon din muling nabuhayan ang kanyang pananampalataya. Kapag nakita na natin na mas malaki ang pag-ibig ng Panginoon kaysa sa ating problema at na mas matatag ang Kanyang katapatan kaysa sa tindi ng sakit, magagawa nating dakilain ang Panginoon sa gitna ng pagsubok at sa Kanya ay “magbigay-papuri sa loob ng kweba”.
Read More