Hindi natin kayang bayaran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng mabuting gawa, relihiyon, o sariling kagalingan. Samahan natin si Ptr. Michael Cariño itong linggo kung saan ipapaalala niya na ang tanging paraaan na tayo ay mapapawalang-sala ay dahil sa pagtitiwala kay Kristo.
Tayo ay napawalang-sala sa harap ng Diyos hindi dahil sa sa ating sariling kabaitan at mabuting gawain. Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na tayo ay napapawalang-sala sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo.
Makakamit lamang ang kaligtasan sapamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang buhay na walang hanggan ay inaalok ng Diyos ng libre. Hindi ito nakukuha sa pagsunod sa kautusan o mga ritwal ng relihiyon.
Nararapat nating pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang pag-ibig na nararanasan natin sa taos-pusong pagmamahal at sakripisyo ng ating mga nanay. Ngayong Mother’s Day, pakinggan natin ang mensahe ni Ptr. Joseph Ouano kung saan hinihikayat niya ang bawat ina na tumingin sa Diyos at magpatuloy na magmahal.