Mahusay ang mga magulang na tinuturuan ang kanilang mga anak kung paano mabuhay sa paraang kaaya-aya sa Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat ni Ptr. Mike Cariño ang bawat magulang na maging repleksyon ng Diyos sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal, pagtuturo, pagkilos, at pag-uugali. Ito ay isang mahalagang pamana para sa susunod na henerasyon.
Ang pangunahing responsibilidad ng isang anak ay ang sumunod sa kanyang mga magulang. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Renz Raquion kung paano magagampanan ng mga anak ang kanilang obligasyon sa Panginoon na galangin ang kanilang mga magulang.
Tanging kay Kristo nanggagaling ang kalakasan ng isang matapat na Mister. Ngayong Linggo, hinihikayat ni Ptr. Michael Cariño ang bawat mister na humugot ng lakas sa Diyos at sa pagmamahal ni Kristo upang siya rin ay maging mapagmahal at tapat sa kanyang asawa at pamilya.
Sa disenyo ng Panginoon para sa pag-aasawa at pagpapamilya, nagtakda ang Diyos ng mahalagang papel para sa asawang babae. Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Michael Cariño kung ano ang mga tungkulin ng asawang babae o “wife” ayon sa Bibliya at kung paano niya maaaring tuparin ang mga ito bilang pagsunod sa Diyos.