Close

September 4, 2022

Mahusay Na Magulang: Raising A Godly Generation (Part 1)

Mahusay ang mga magulang na tinuturuan ang kanilang mga anak kung paano mabuhay sa paraang kaaya-aya sa Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat ni Ptr. Mike Cariño ang bawat magulang na maging repleksyon ng Diyos sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal, pagtuturo, pagkilos, at pag-uugali. Ito ay isang mahalagang pamana para sa susunod na henerasyon.

Godly parents teach their children to live in a way that seeks to please God. Let us join Ptr. Mike Cariño this week as he exhorts parents to reflect God in their love, instruction, actions, and values, thereby leaving a Godly inheritance to the next generation.


Basahin sa Bibliya

1 Thessalonians 2: 7, 11-12; Ephesians 6:4; Colossians 3:21; Titus 2:7; Psalm 78:1-8

Sermon Notes

Download PDF

Tungkol sa Serye

Ang mensaheng ito ay bahagi ng ating “The Master’s Design” 8-week Churchwide Campaign na mangyayari mula ika-7 ng Agosto hanggang ika-25 ng Setyembre 2022. Upang patuloy na pag-aralan at pag-usapan ang mga temang tatalakayin sa bawat linggo, nais mo bang subukan na sumali sa isang Life Group? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.