Matapos ang pitong taong digmaan, nasakop rin sa wakas ng Israel ang Canaan at hinati-hati nila ang lupain na ito sa kanilang mga tribo alinsunod sa ipinangako ng Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na magtiwala sa katapatan at kadakilaan ng Diyos sapagkat ang Kanyang mga pangako ay tiyak na matutupad.
Read More
Tulad ng Israel, kailangan natin harapin ang mga problema sa buhay na kaliwa’t kanang lumilitaw at pumapalibot sa atin. Ngayong linggo, ipinaalala ni Ptr. Mike Cariño na hindi sapat ang sarili nating lakas para malampasan ang mga hamon ng buhay. Dapat tayong matutong magtiwala at sumunod sa layunin ng Diyos dahil Siya ang magbibigay ng tagumpay.
Read More
Nayanig ang mga Israelites nang bigla silang sinalakay ng alyansa ng mga hari mula sa Timog ng Canaan. Ngayong linggo, ibabahagi ni Rev. Genesis Tan kung paano ipinaglaban ng Diyos ang Israel upang magsilbing halimbawa kung ano ang maaring mangyari kapag natuto tayong magtiwala sa Diyos at hayaan Siyang lumaban para sa atin.
Read More
Madalas tayong nabibiktima ng iba’t-ibang uri ng kasinungalingan mula sa mga scammers, ating kapwa, o kahit nga ang ating sarili. Mula sa engkwentro ng Israel sa mga Gibeonites, ibabahagi ni Ptr. Nathan Tee ang kadakilaan ng Diyos na kayang manaig sa kabila ng ating mga pagkakamali.
Read More