The Living Christ at Ang Ating Salvation
Ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ang nagbibigay sa atin ng pag-asa para sa darating na kaluwalhatian at kaligtasan. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Ptr. July David na dahil sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, may katiyakan ang ating pananampalataya, kagandahan ang ating kinabukasan, at tiyak na katuparan ang pagkawasak ng kamatayan at ang pananaig ng kaharian ng Diyos magpakailanman.
The Resurrection of Christ gives us hope for future glory and salvation. This week, Pastor July David explains how the Resurrection ensures three things: the certainty of our faith, the beauty of our future, and the guaranteed defeat of death in God’s eternal reign and kingdom.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 15:12-28
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Alalahanin at ibahagi ang unang pagkakataon na narinig mo ang muling pagkabuhay ni Jesus. Naniwala at naunawaan mo ba ito? Bakit o bakit hindi?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. In your own words, ipaliwanag kung ano ang magiging implikasyon/mangyayari sa atin kung hindi muling nabuhay si Jesus (vv.12-19).
• Ano ang koneksyon ng paghahari ni Jesus at ang kanyang muling pagkabuhay (vv.25-26)?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang iyong pananaw sa kamatayan? Natatakot ka bang mamatay? Bakit o bakit hindi?
• Paano naaapektuhan ng katiyakan ng muling pagkabuhay ni Kristo ang iyong pagtitiwala sa iyong sariling kaligtasan at pananampalataya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo maiaayon ang iyong pang-araw-araw na kilos at desisyon sa katotohanan na balang-araw ay mamamahala si Kristo sa lahat at wawasakin ang kamatayan?
• Isipin kung sino ang may kailangang makarinig ng mensaheng puno ng pag-asa na dulot ng muling pagkabuhay ni Jesus. Magsimula ng isang spiritual conversation ngayong linggo.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan na tiyak sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo. Magpasalamat sa Kanya para sa katiyakan na ang ating pananampalataya ay totoo, ang ating kaligtasan ay tiyak, at ang ating kinabukasan ay puno ng pag-asa ng buhay na walang hanggan. Magalak na si Kristo, bilang ang firstfruit ng resurrection, ay guarantee na tayo rin ay bubuhaying muli kasama Niya at mararanasan ang Kanyang walang hanggang paghahari.
• Magsisi sa mga pagkakataong pinahintulutan mong ang anumang pag-aalinlangan o pangamba sa katotohanan ng muling pagkabuhay ni Kristo at ang katiyakan ng iyong kaligtasan. Humingi ng kapatawaran sa mga sandaling nabuhay ka na parang may kapangyarihan pa rin sa iyo ang kamatayan o kasalanan, na nakakalimutan ang tagumpay na napanalunan na ni Kristo. Manalangin para sa isang pusong lubos na nagtitiwala sa buhay na Kristo at nagpapakita ng pagtitiwala na iyon sa bawat aspeto ng iyong buhay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.