Close

June 16, 2024

Nang Isilang Ka Sa Mundong Ito

Inutusan tayo ng Diyos na galangin ang ating mga magulang–karapat-dapat man sila o hindi. Ngayong Linggo, ipapaliwanag ni Rev. Mike Cariño na ibinigay ang kautusang ito para matuto tayong sumunod sa ating Ama sa Langit at maging biyaya sa ating mga magulang sa buhay na ito.

God commands us to honor our parents—whether or not they deserve it. This week, Rev. Mike Cariño explains that we were given this command so we may learn to obey our Heavenly Father as we become a blessing to our earthly parents.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 6:1-3

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng tradisyon ninyo sa pamilya na sinimulan ng iyong mga magulang na iyong pinahahalagahan. Bakit ito espesyal sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang itsura ng biblikal na “paggalang/honoring” sa mga magulang/mga parental figures?
• Paano naaayon ang pag-honor sa mga magulang sa mas malawak na konteksto ng pagsunod sa mga utos ng Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan mo nakita ang mga pagpapala ng Diyos sa iyong buhay bilang resulta ng paggalang sa iyong mga magulang/mga parental figures? Ano ang makatutulong sa iyo na panghawakan ang gantimpala at pangako ng Panginoon?
• Paano mo ipagkakasundo ang paggalang sa iyong mga magulang/mga parental figures kapag sa tingin mo ay hindi nila ginampanan nang epektibo ang kanilang tungkulin? Anong mga kaisipan/emosyon ang nararanasan mo sa mga ganitong sitwasyon? Paano ka tinuturuan ng Diyos na tumugon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Pinahahalagahan mo ba ang iyong mga magulang/mga parental figures, o kung minsan ay binabalewala/take for granted mo sila? Paano mo mas makikilala ang kanilang tungkulin, kahalagahan, at kontribusyon?
• Sa anong mga paraan ka nagpakita ng karangalan sa iyong mga magulang/mga parental figures sa iyong pang-araw-araw na buhay? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo sa pag-honor sa kanila sa pamamagitan ng karangalan? Anong mga partikular na aksyon ang maaari mong gawin ngayong linggo para i-honor sila?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sa pagpapala sa atin ng ating mga magulang. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa pagmamahal, karunungan, at patnubay na ibinigay nila sa iyo sa buong buhay mo. Magpasalamat sa Kanya para sa halimbawa ni Jesus, na nagpakita ng perpektong kabanalan sa anak sa pamamagitan ng paggalang at pangangalaga sa Kanyang mga magulang sa lupa. Hilingin sa Diyos na tulungan kang ipakita ang Kanyang pagmamahal at paggalang sa sarili mong relasyon sa iyong mga magulang.
• Lumapit sa Panginoon nang may pagsisisi sa mga panahong nabigo kang igalang ang iyong mga magulang gaya ng iniutos Niya. Humingi ng kapatawaran para sa anumang mga pagkakataon ng pagpapabaya, kawalang-galang, o kawalan ng konsiderasyon sa kanila. Ipagdasal na isama mo ang mga turo ng Diyos at magpakita ng tunay na pagmamahal at pangangalaga sa iyong mga magulang, na naghahanap ng pagkakasundo kung saan may nasaktan at nagsusumikap na magdala ng kaluwalhatian sa Kanyang Pangalan sa pamamagitan ng iyong mga aksyon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.