Of Course!
Tiyak na darating ang araw na mailalantad ang buong kaluwalhatian ng kaharian ng Diyos. Sa ngayon, tayo ay binibiyayaan ng mga bahagyang sulyap ng kahariang at kapangyarihang ito sa gitna ng sakit at pagdurusa sa ating paligid. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Renz Raquion na ipinagkaloob ng Panginoon ang lahat ng ating kailangan upang mamuhay ng maka-Diyos hanggang sa ganap na maitatag ang Kanyang kaharian sa Kanyang pagbabalik.
The day will surely come when the full glory of God’s kingdom is revealed. Until then, we can see glimpses of the kingdom’s power amidst the suffering and pain around us. This week, Ptr. Renz Raquion reminds us that God has given us everything we need to live godly lives until we see His kingdom fully established upon His return.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 4:8-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng kamakailang hamon o pagsubok na iyong hinarap. Paano mo ito na-navigate? Ano ang natutunan mo sa karanasang iyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano hinahamon ng mensahe ngayon ang iyong pag-unawa sa kahulugan ng pagiging isang Kristiyano?
• Sa iyong sariling mga salita, ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng namumuhay sa in between ng “already” and the “not yet”? Ano ang itsura nito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Itinuturing mo ba ang mga hamon at pagsubok bilang mga pagkakataon para sa paglago at kagalakan, o nahihirapan ka bang makita ang layunin sa mga paghihirap?
• Paano mo kinikilala ang iyong sariling pagkamakasalanan habang tinatanggap din ang pagbabagong kapangyarihan ng grace ng Diyos sa iyong buhay? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa mga kongkretong paraan, ibahagi kung paano dapat hubugin ng pamumuhay sa in between ng “already” and the “not yet” ang iyong pang-araw-araw na buhay at mga desisyon.
• Paano mo maiayon ang iyong pag-uugali at pagtugon sa mga hamon sa halimbawang ipinakita ni Jesus?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Sa gitna ng pamumuhay sa in between ng “already” at “not yet”, itaas ang iyong puso sa pagpupuri sa Panginoon. Magpasalamat sa Diyos para sa kasalukuyang katotohanan ng Kanyang kaharian, kahit na hinihintay natin ang ganap na pagsasakatuparan nito. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa mga pagkakataong ibinibigay Niya para sa pag-unlad at kapanahunan sa pamamagitan ng mga hamon at pagsubok. Magpasalamt din para sa lalim ng mga aral na natutunan natin sa gitna ng mga kawalang-katiyakan sa buhay. Hilingin sa Diyos na tulungan kang yakapin ang kagalakan na natagpuan sa pagkaalam na ang Kanyang biyaya ay umalalay sa iyo sa bawat sitwasyon.
• Mapagpakumbaba na lumapit sa Diyos sa pagsisisi. Humingi ng kapatawaran para sa mga oras na hindi mo napapansin ang kahalagahan ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga turo sa gitna ng realidad ng Kanyang kaharian. Magsisi sa anumang sandali ng pagdududa o kawalan ng pag-asa kapag nahaharap sa mga hamon, na nakakalimutan na ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa iyong ikabubuti. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng lakas na magtiwala sa Kanyang soberanya at mabuhay nang tapat sa pagsunod, kahit na ang landas ay hindi tiyak.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.