Hindi Man Makita, God is At Work (Part 3)
Ano ang tumatakbo sa ating isipan sa gitna ng trahedya? Madalas ang tanong natin ay “Nasaan ang Diyos sa lahat ng ito?” Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño kung paano maaaring gamitin ng Panginoon ang mga trahedya sa buhay upang ihayag sa atin ang Kanyang walang hanggang presensya at pangako.
When tragedy strikes, what do we do? We may be tempted to ask, “Where is God in all this?” This week, Ptr. Mike Cariño shares how God can use tragedies to reveal His enduring presence and promise.
Basahin sa Bibliya
Esther 3: 1-15
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang bagay na pinagdadaanan mo ngayon at nahihirapan ka. Magbahagi ka rin ng isang bagay na ipinagpapasalamat mo.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ilarawan si Haman, Mordecai, at si haring Xerxes.
• Sa anong paraan mo nakita ang pagkilos ng Diyos sa istorya?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang iyong saloobin sa mga tao sa talata?
• Ano ang itinuturo sayo ng Diyos mula sa talatang binasa?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kung ikaw sila, paano maiiba ang iyong pagtugon sa sitwayson?
• Sa iyong pinagdaraanan ngayon, paano ka matutulungan ng grupo sa pagkilala mo sa Diyos mula sa talatang binasa?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos dahil alam Niya ang lahat ng nangyayari at alam Niya ang hirap na ating pinagdaraanan. Magpasalamat sa Diyos na inilagay na Niya ang lahat ng bagay sa tamang lugar, ayon sa Kanyang plano, para iligtas at iahon tayo.
• Ipagkumpisal ang mga pagkakataong gusto ng ating puso na maging diyos-diyosan sa halip na magtiwala sa Panginoon.
• Manalangin para sa isang pusong pipiliing magtiwala sa Diyos at matapat na sundin Siya. Manalangin para sa kapayapaan at katiyakan ng Diyos na magpatuloy sa ating buhay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.