Pinagkaloob Sa Atin Ng Diyos Ang Tagumpay
Nasaksihan ni Joshua ang pagguho ng balwarte ng Jericho dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sa parehong paraan, ibinibigay ng Diyos sa atin ang kapangyarihan na magtagumpay laban sa mga pwersa ng kasamaan. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na buong pusong magtiwala at sumunod sa Diyos na nagbigay sa atin ng tagumpay laban sa kasamaan sa pamamagitan ni Hesu Kristo.
Joshua witnessed God’s power when the fortress of Jericho crumbled. Similarly, God gives us the power to overcome the forces of evil. This week, Ptr. Allan Rillera exhorts us to fully trust and obey God as he has given us the victory over evil through Jesus Christ.
Basahin sa Bibliya
Joshua 6
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Anong mga bagay ang tinuturing mong mahirap o imposibleng mapagtagumpayan? (hal. Isang sitwayson, kasalanan o kahinaan, relasyon, atbp.) 3. Engage the mind (15-20 mins)
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ipinagawa ng Diyos sa mga Israelita?
• Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Joshua o ng mga Israelita, paano ka tutugon sa sitwasyon? Paano ka tutugon sa utos ng Diyos?
• Paano ito napagtagumpayan ni Joshua at ng mga Israelita?
• Ano ang sinisimbulo ng “Jericho”?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Bakit mahalagang mapagtagumpayan ang mga “Jericho” sa ating buhay?
• Balikan ang iyong sagot sa ‘Engage with one another’. Ano ang iyong saloobin sa “Jericho” sa iyong buhay? Paano nangungusap ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng talata? (Note to leaders: Pahalagahan ang pagiging totoo ng nagbabahagi at panatilihing kumpidensyal ang mga isinagot.)
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang plano mong gawin upang mapagtagumpayan ang “Jericho” sa iyong buhay? Ano ang isang bagay na sisimulan mong gawin ngayon bilang pagtugon sa mensahe ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng Joshua 6? Paano mo ito gagawin?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil Siya ay tapat at mapagkakatiwalaan. Magpasalamat dahil napagtagumapayan Niya ang ating kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ni Hesus.
• Ipagdasal na tulungan tayo ng Diyos na matukoy ang mga “Jericho” sa ating buhay na humahadlang sa atin na matamasa ang tunay na kapayapaan sa ating buhay mula sa presensya ng Diyos.
• Hilingin sa Diyos ang pusong nagsisisi upang talikuran ang ating pagkaalipin sa kasalanan at ma-enjoy ang ating buhay sa pamamagitan ni Hesus.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.