Close

November 8, 2026

The Excellence of God’s Character At Ang Kamangha-manghang Gawain Niya

The Excellence of God's Character At Ang Kamangha-manghang Gawain Niya

Bakit kailangan nating gawing mahalagang bahagi ng ating buhay ang pagsamba? Ngayong Linggo, tatalakayin ni Pastor Allan Rillera ang Awit 92, kung saan makikita natin ang mga kahanga-hangang katangian ng Diyos at ang mga kamangha-manghang bagay na Kanyang ginawa, na nagpapakita kung bakit tunay Siyang karapat-dapat sa ating pagsamba at papuri.

Why must worship be an essential part of our lives? This Sunday, Ptr. Allan Rillera turns to Psalm 92 to show us God’s excellent character and wondrous works, and why He is truly worthy of our worship and praise.


Basahin sa Bibliya

Psalm 92

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Kapag may pinagdaraanan kang mahirap na sitwasyon, ano ang madalas mong unang naiisip o ginagawa upang magkaroon ng lakas at pag-asa? Bakit kaya?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Read the psalm. Bakit nararapat sambahin at purihin ang Diyos, at bakit dapat nakabatay ang ating pagsamba sa kung sino Siya at hindi lamang sa mga pagpapalang natatanggap natin?
  • Paano inilalarawan ang pagkakaiba ng kapalaran ng masasama at ng mga nagtitiwala sa Diyos? Bakit hindi tayo dapat mainggit sa pansamantalang tagumpay ng mga masasamang tao?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Kapag dumaranas ka ng mahihirap na sitwasyon, alin ang mas madali mong gawin: ituon ang iyong pansin sa mga problema o alalahanin ang pag-ibig, katapatan, makapangyarihang mga gawa, at karunungan ng Diyos? Magbahagi ng isang personal na karanasan kung kailan ang pag-alala sa katangian ng Diyos ay nakatulong sa iyo upang patuloy na magtiwala at sumamba sa Kanya.
  • Naranasan mo na bang panghinaan ng loob o mainggit sa mga taong tila nagtatagumpay sa buhay kahit ikinokompromiso nila ang kanilang integridad at hindi nila kinikilala ang Diyos? Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman na ang Diyos ay makatarungan at may ganap na kapangyarihan upang manatili kang tapat at piliin ang tama, kahit mahirap itong gawin?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Anong katangian ng Diyos ang kailangan mong higit na alalahanin at pagnilayan sa panahong ito ng iyong buhay? Paano mo ito maisasama sa iyong personal na pagsamba at pananalangin?
  • Anong bahagi ng iyong buhay ang natutukso kang ikompromiso ang iyong integridad o sumabay sa ginagawa ng iba dahil tila mas madali o mas kapaki-pakinabang ito sa buhay mo ngayon? Paano mo maipapakita ang iyong pagtitiwala sa katuwiran at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpili ng tama?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin at pasalamatan ang Diyos dahil sa Kanyang dakilang katangian: ang Kanyang wagas na pag-ibig, walang hanggang katapatan, makapangyarihang mga gawa, karunungan, katuwiran, at kataas-taasang kapangyarihan. Magpasalamat dahil Siya ang Diyos na patuloy na naghahari at may ganap na kontrol sa lahat ng bagay. Magalak dahil tapat Nyang inaalalayan, pinalalakas, at pinananatili ang Kanyang mga anak upang manatiling matatag at mamunga sa bawat yugto ng kanilang buhay.
  • Magsisi sa mga pagkakataong mas pinagtutuunan mo ng pansin ang iyong mga problema kaysa sa alalahanin ang kabutihan at katapatan ng Diyos. Humingi ng tawad sa mga panahong naiinggit ka sa pansamantalang tagumpay ng iba, nagdududa sa Kanyang kapangyarihan, o natutuksong ikompromiso ang iyong integridad sa halip na piliin ang tama. Ipanalangin na matuto kang higit na magtiwala sa Kanyang katuwiran at karunungan, manatiling nakaugat sa Kanya, at patuloy na mamunga upang maging patotoo sa iba ng Kanyang kabutihan at katapatan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.