Experience the Goodness of God: Ang Bait Mo Talaga, Lord!

Ang tugon ng taong nakaranas ng kabutihan ng Diyos ay patuloy na pagpupuri, matatag na pagtitiwala, at di natitinag na pag-asa sa Kanya. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Michael Cariño kung paano tayo pinoprotektahan ng kabutihan ng Diyos sa kabila ng kawalang-katiyakan, sakit, at mga hamon na pagdadaanan natin sa buhay.
We who have firsthand experience of God’s goodness can’t help but respond with continual praise, steadfast trust, and unwavering hope in Him. This Sunday, Rev. Michael Cariño shares how God’s goodness protects us amid the uncertainty, pain, and challenges that life presents.
Basahin sa Bibliya
Psalm 34
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Sa nakaraang linggo, ano ang isang bagay na nagpaalala sa iyo ng kabutihan ni Lord?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Paano tumutugon ang mga taong nakaranas ng kabutihan ng Diyos?
- Paano tayo binibigyan ng pag-asa ng Diyos sa gitna ng paghihirap at pagsubok?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Kapag may problema o mabigat na pinagdadaanan, ano ang kadalasang nauuna sa puso mo—papuri, pangamba, o reklamo? Bakit kaya?
- Saan mo kailangang lumago ngayon: continual praise, confident trust, o consistent hope? Bakit mo nasabi?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Paano mo maaalala at maipagdiriwang ang katapatan ng Diyos sa buhay mo ngayong linggo? (Hal. Magsulat ng mga answered prayers, magbahagi ng testimony sa iba, atbp.)
- Sino ang isang taong pinanghihinaan ng loob na maaari mong lapitan, damayan, at paalalahanan tungkol sa kabutihan at katapatan ng Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Panginoon sa Kanyang walang sawang kabutihan, katapatan, at pagliligtas. Pasalamatan Siya dahil nananatili Syang mabuti sa bawat panahon—madali man o mahirap ang sitwasyon. Purihin Siya dahil hindi Niya tayo iniiwan sa ating mga takot, pagdurusa, at panghihina, kundi patuloy Niya tayong nilalapitan, pinapakinggan, at inaalalayan.
- Humingi ng tawad para sa mga panahong mas pinili mong mag-alala kaysa magtiwala, o magreklamo kaysa magpapuri. Ikumpisal ang mga pagkakataong nagduda ka sa Kanyang kabutihan o umasa sa sarili mong lakas kaysa sa Kanyang katapatan. Hilingin na bigyan ka Niya ng pusong patuloy na nagpupuri, buong pusong nagtitiwala, at matatag na nananalig na ang Kanyang pagliligtas at kabutihan ang mananaig sa huli.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
