God Is Our Mighty Fortress Na Kailanman Hindi Guguho

Sa mga pagkakataong tila gumuguho ang ating buhay at nakararanas tayo ng matinding pag-iisa, kabigatan sa buhay, o kawalan ng kontrol, saan tayo makahanap ng kapanatagan? Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Pastor Allan Rillera na hanapin ang presensya ng Diyos at magtiwalang Siya pa rin ang may hawak ng lahat. Siya ang ating matibay na sandigan, at hinding-hindi Niya tayo bibiguin.
When life is falling apart and we’re overwhelmed by loneliness, burdens, or a loss of control, where can we find peace? This Sunday, Pastor Allan Rillera encourages us to seek God’s presence and to trust that He is in control. Amid our struggles, He is our unshakeable refuge, and He will never fail us.
Basahin sa Bibliya
Psalm 46
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Balikan at ibahagi ang isang mahirap o mapait na panahon sa iyong buhay. Paano ipinakita ng Diyos na hindi ka Niya iniwan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Ano ang sinisimbolo ng ilog sa lungsod ng Diyos, at ano ang ipinapakita nito tungkol sa presensya ng Diyos?
- Ano ang ibig sabihin na ang Panginoon ng mga hukbo (Lord of Hosts) ang ating kanlungan?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Sa anong bahagi ng iyong buhay ngayon ang pakiramdam mong nag-iisa ka o walang nakakaintindi sa iyong pinagdaraanan? Paano ka inaanyayahan ng Diyos na maranasan ang Kanyang presensya ngayon?
- Ano ang mga bagay na nahihirapan kang bitawan o isuko sa Diyos dahil gusto mong ikaw ang may kontrol? Saan ito nanggagaling?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Paano ka makakapaglaan ng oras ngayong linggo upang magkaroon ng katahimikan sa presensya ng Diyos at alalahanin ang Kanyang katapatan?
- Sino ang kakilala mong dumaraan sa isang mahirap na sitwasyon ngayon? Paano mo siya mahihikayat na magtiwala sa Diyos bilang kanyang matibay na kanlungan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Diyos sapagkat Siya ang ating makapangyarihan at hindi matitinag na kanlungan. Pasalamatan Siya dahil hindi Niya tayo iniiwan sa gitna ng unos, bagkus Siya ang ating kalakasan, kapayapaan, at laging handang tumulong sa oras ng pangangailangan. Magpasalamat sa Kanyang katapatan at sa maraming pagkakataong ipinakita Niya ang Kanyang presensya at kapangyarihan sa ating buhay kahit tila gumuguho ang lahat ng bagay.
- Humingi ng tawad sa Diyos sa mga pagkakataong mas nagtiwala ka sa sariling kakayahan, plano, o sa mga bagay ng mundong ito kaysa sa Kanya. Pagsisihan ang mga panahong pinairal mo ang takot, pangamba, at kagustuhang kontrolin ang lahat imbes na magpahinga at magtiwala sa Kanyang kapangyarihan. Ipanalangin na tulungan kang patuloy na isuko ang iyong mga alalahanin at mamuhay nang may buong pagtitiwala sa Diyos na kailanman ay hindi nagbabago at hindi matitinag.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
