Sorry

Sapat na ba ang paghingi ng paumanhin o “sorry” upang maipakita ng isang tao na siya ay tunay na nagsisisi sa kanyang mga kasalanan? Ngayong Linggo, ibabahagi ni Ptr. Renz Raquion na ang tunay na pagsisisi ay nangangailangan ng tapat na pagharap sa kaguluhang nasa loob natin at ng pagkilala sa Diyos na mapagpatawad, nagpapanumbalik, at nagbabalik ng kagalakang nawala sa atin.
Is saying “Sorry” enough to prove that one is truly repentant of their sins? This Sunday, Ptr. Renz Raquion reminds us that genuine repentance requires we confess our sin, confront the chaos within, and come home to a God whose grace forgives, restores, and gives back the joy we lost.
Basahin sa Bibliya
Psalm 51
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Share a time na binigyan ka ng second chance pagkatapos mong magkamali. Ano ang itinuro sayo nitong experience tungkol sa grace?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Ano ang itinuturo ng pagtugon ni David tungkol sa pagkakaiba ng feeling guilty sa totoong pag-confess ng sin?
- Ano ang ipinapakita ng panalangin ni David para sa malinis na puso, bagong pagkatao, at kagalakan ng kaligtasan tungkol sa layunin ng Diyos sa pag-confess at pagpapatawad?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Ano ang dala-dala mong guilt o hiya na natatakot kang ilapit nang tapat sa Diyos? Ano ang pumipigil sayo para ilabas ito sa liwanag?
- Kapag may nagtuturo ng mali sa buhay mo, paano ka karaniwang nagre-react? Handa ka bang makinig at hayaan ang Diyos na gamitin sila para sabihin sayo ang katotohanan?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Saang bahagi ng buhay mo ngayon ang natutuksong kang magdahilan, magkumpara, o paliitin ang kasalanan imbes na tapat na sabihing, “Kasalanan ko ito”? Ano ang kailangan mong gawin para itigil ang pagtatanggol sa sarili, pagpapaliwanag, o pagtatago, at sa halip ay honest na magtapat sa Diyos?
- Anong praktikal na hakbang ang magagawa mo ngayong linggo para magkaroon ng malinis na puso at bagong pagkato tulad ng ipinanalangin ni David—imbes na simpleng humingi lang ng tawad?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang awa at biyaya na sumasalubong sa atin kahit sa gitna ng ating pagkakamali. Purihin Siya dahil hindi natin kailangang magtago, ipagtanggol, o ayusin ang ating sarili bago lumapit sa Kanya, dahil ginawa na ni Jesus na posible ang pagpapatawad at pagbabago. Pasalamatan Siya sa mga taong ginagamit Niya para magsabi ng katotohanan sa ating buhay, at para sa kagalakang ibinibigay Niya sa tuwing bumabalik tayo sa Kanya.
- Humingi sa Diyos ng lakas ng loob para taos-pusong mag-confess at magsisi. Hilingin sa Kanya na ipakita ang mga bahagi ng buhay mo kung saan ka nagdadahilan, nagkukumpara ng sarili sa iba, nagtatago ng kasalanan, o tumatangging iwasto. Ipanalangin ang isang malinis na puso at bagong pagkatao, at ang kababaang-loob na tanggapin ang Kanyang biyaya, tumalikod sa kasalanan, at maging isang taong tumutulong sa iba na mahanap ang daan pabalik sa Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
