Sino ang King na ito?
Malinaw kay Hesus ang Kanyang layunin at misyon sa mundo. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Pastor Joseph Ouano kung paano nanatiling matatag ang ating Panginoon sa Kanyang misyon sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Kanyang Ama at pagtuon sa dahilan ng Kanyang pagparito.
Jesus was clear about His priority and purpose during His earthly ministry. This week, Ptr. Joseph Ouano shares how the Messiah King remained steadfast in His mission by keeping in communion with His Father and staying focused on the purpose for which He came.
Basahin sa Bibliya
Mark 1:29-39
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang pagkakataon na nadama mong hinihila ka sa maraming direksyon dahil sa mga inaasahan ng mga tao sayo. Paano mo ito hinarap?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit inuna ni Jesus ang oras na mag-isa Siya kasama ang Ama sa kabila ng lumalagong demand sa kanyang presensya? (v.35)
• Paano tumugon si Jesus sa mga inaasahan ni Simon, at ano ang ipinapakita nito tungkol sa Kanyang misyon? (vv.36-39)
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Mayroon ka bang commitment tulad kay Jesus sa panalangin? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo?
• Maging tapat: Anong mga aspeto sa iyong buhay ang gusto mong iayon ni Jesus sa iyong mga plano sa halip na mag-surrender sa Kanyang mga plano?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang mapalalim ang iyong personal na pakikipag-ugnayan sa Ama simula sa araw na ito?
• Paano mo maipapakita ang Christ-like na compassion sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa linggong ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa hindi natitinag na compassion, katapatan, at pagsunod ni Jesus sa Kanyang misyon. Magpasalamat sa Kanya sa pagpapakita ng Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapagaling, pagtuturo, at sa huli ay pagdadala ng Mabuting Balita ng Kaharian. Magalak na si Jesus ay hindi kumikilos ayon sa inaasahan ng tao kundi ayon sa perpektong kalooban ng Ama, na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng naniniwala.
• Magsisi sa mga panahong hinanap mo si Jesus nang higit sa kung ano ang magagawa Niya kaysa sa kung sino Siya. Humingi ng kapatawaran sa pag-una sa iyong sariling mga plano at inaasahan kaysa sa Kanyang tungkulin. Manalangin para sa isang pusong tunay na naghahangad na sundin si Kristo sa pagsunod, na iniayon ang iyong mga hangarin sa Kanyang kalooban, at nangangako sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Ama sa pamamagitan ng panalangin.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.