Close

August 25, 2024

The Way of Agape Love

Paano ba magmahal ng mga taong mahirap mahalin? Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Allan Rillera ang tungkol sa “Agape Love” ng Diyos upang ipaliwanag kung ano ang tunay na pagmamahal at kung ano ang hindi. How should we show love to people who are difficult to love? This week, Ptr. Allan Rillera expounds on God’s Agape love to help us understand what makes real love different.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 13:4-7

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang iyong pagkakaunawa sa kung ano ang agape love. Sa anong mga sitwasyon nakasalalay ang iyong pagmamahal sa kondisyon o ginagawa ng ibang tao? Paano mo ito maco-compare sa walang kondisyong pag-ibig ng Diyos para sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang ganitong pag-ibig sa mga problema ng mga taga-Corinto.
• Gawin ang sumusunod sa bawat katangian ng pag-ibig (vv.4-7): (1) tukuyin ang kahulugan nito, (2) magbigay ng isa pang talata sa Bible tungkol dito, at (3) maglista ng dalawang partikular na application nito sa iyong buhay.

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo hinahandle ang sarili mo kapag nararamdaman mo na ikaw ay naiinggit, mayabang, o may magaspang na pag-uugali? Paano ka napigilan ng mga emosyong ito na mahalin ang iba nang may agape love?
• Sa anong mga paraan mo nakitang mahirap magtiwala o umasa sa iba, lalo na kapag nasaktan o nabigo ka? Paano mo mas maiaayon ang iyong puso sa mga aspeto ng pagtitiwala at pag-asa ng agape love?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Mag-isip ng isang relasyon kung saan nahihirapan kang magmahal nang walang kondisyon. Anong mga praktikal na pagkilos ang maaari mong gawin para mahalin ang taong iyon na may parehong agape love na ipinakita ni Jesus?
• Anong mga praktikal na paraan ang maaari mong ipakita na pinapahalagahan mo ang iba sa iyong pang-araw-araw na buhay? Paano mo uunahin ang iba, gaya ng hinihiling ng agape love?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa Kanyang walang hanggan at walang kondisyong pagmamahal na nagpapabago sa ating mga puso at naglalapit sa atin sa Kanya. Magpasalamat sa Kanya para sa kaloob ni Jesus, na nagpakita ng perpektong pagmamahal sa Kanyang buhay at sakripisyo. Ipahayag ang iyong pasasalamat na ang Kanyang pag-ibig ay matiyaga, mabait, at hindi makasarili, hindi kailanman iginigiit ang sarili nitong paraan, ngunit laging inaalala ang ating kabutihan at ang Kanyang kaluwalhatian.
• Lumapit sa Kanya na may pagsisisi sa mga panahong umasa ka sa iyong mga kaloob, talento, at lakas sa halip na magtiwala sa Kanyang perpektong pag-ibig. Humingi ng kapatawaran sa pag-una sa iyong sarili kaysa sa iyong mga relasyon sa iba at sa Diyos. Ipahayag ang iyong pagmamataas at pagiging makasarili, at hilingin ang Kanyang kabutihang loob na baguhin ang iyong puso, upang mahalin mo ang iba nang may parehong walang kondisyong pagmamahal na ipinakita Niya sa atin.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.