Iba’t Ibang Gifts, Iisang Spirit?
Ano ang mga spiritual gifts? Kanino ito ibinigay at para sa anong layunin? Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Joseph Ouano ang katotohanan tungkol sa mga spiritual gifts at kung bakit biniyayaan ng Diyos ang bawat mananampalataya ng mga ito.
What are spiritual gifts? To whom are they given, and for what purpose? This week, Ptr. Joseph Ouano shares the truth about spiritual gifts, why they exist, and why God has graciously given them to every believer.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 12:1-11
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung ano ang iyong mga spiritual gifts at kung paano mo ito ginagamit ngayon. Kung hindi mo pa natutuklasan ang mga ito, ano ang kasalukuyang humahadlang sa iyo na alamin ang mga ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang mga spiritual gifts? Ito ba ay mga espesyal na talento at skills? Maaari bang ituring na spiritual gifts ang isang magandang boses sa pag-awit o pagiging mahusay na inhinyero? Bakit o bakit hindi?
• Sino ang nagbigay ng mga gifts at nagpasya kung anong mga gifts ang matatanggap ng mga tao (v.11)? Batay sa iyong sagot, ano ang dapat na resulta nito tungkol sa pagpuri sa isang tao sa pagkakaroon ng gift o pagkainggit sa mga gift ng ibang tao?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan ang iyong pag-confess na si Jesus ay Panginoon. Paano hinuhubog ng katotohanang ito ang iyong pang-unawa at paggamit ng mga spiritual gifts?
• Sa anong mga paraan mo ginamit ang iyong mga gifts upang ipaglingkod ang simbahan sa halip na pansariling pakinabang? Aling mga bahagi ng iyong buhay ang hinihikayat ka ng Diyos na gamitin ang mga ito nang higit pa?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang isang tiyak na spiritual gift na mayroon ka. Pagkatapos, magplano ng isang konkretong paraan upang magamit ang gift na ito sa paglilingkod sa iyong simbahan o komunidad sa buwan na ito.
• Kung hindi ka sigurado sa iyong mga spiritual gifts, anong mga praktikal na hakbang ang gagawin mo para matuklasan ang mga ito? Paano ka magco-commit sa paggamit ng mga ito para patibayin at ipaglingkod ang iba?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa pagkakaiba-iba at pagkakaisa ng mga spiritual gifts na ipinagkaloob Niya sa atin. Ipahayag ang iyong pasasalamat na ang mga kaloob na ito ay ibinibigay hindi para sa ating sariling kaluwalhatian, kundi upang patibayin ang katawan ni Kristo. Magpasalamat sa Kanya para sa mga natatanging tungkuling idinisenyo Niya para sa bawat isa sa atin at para sa layuning inilagay Niya sa ating mga puso na paglingkuran ang Kanyang simbahan.
• Lumapit sa Panginoon nang may pagsisisi sa mga panahong inihambing mo ang iyong mga kaloob sa iba at nadama mong hindi ito sapat o ika’y nainggit. Humingi ng kapatawaran sa hindi ganap na pagyakap at paggamit ng mga gifts na ibinigay Niya sa atin sa kanilang buong potensyal. Hilingin na tulungan ka ng Diyos na makilala at tanggihan ang anumang impluwensyang hindi nagmumula sa Holy Spirit. Ipanalangin na ang iyong puso at isipan ay manatiling dalisay, at na ikaw ay maakay sa tapat na paggamit ng iyong mga kaloob upang luwalhatiin ang Diyos at pasiglahin ang iba sa ating komunidad ng simbahan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.