Labanan ang Temptation
Maraming Kristiyano ang hindi nagtatagumpay laban sa tukso dahil sa kanilang lihim na pagtamasa sa aliw ng kasalanan. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Pastor Allan Rillera na matuto mula sa mga pagkakamali ng iba at hanapin ang ating kaluguran sa Diyos, na Siyang nagbibigay sa atin ng lakas upang makaiwas sa tukso.
Many Christians fail to resist temptation because they secretly enjoy the pleasure brought by sin. This week, Pastor Allan Rillera encourages us to learn from the mistakes of others and find joy and fulfillment in God, Who gives us the strength to escape temptation.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 10:1-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na natutunan mo ang isang mahalagang aral mula sa mga pagkakamali ng ibang tao. Paano ito nakaapekto sa iyong sariling mga desisyon at pag-uugali?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang problema sa simbahan sa Corinto? Paano ito tinutugunan ni Paul?
• Bakit binanggit ni Paul ang kasaysayan ng mga Jews/mga kuwento mula sa Old Testament?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Nakita mo na ba ang iyong sarili na nangangatuwiran o binabalewala ang iyong mga kasalanan dahil sa iyong pagkakaisa kay Kristo? Paano ito nakaapekto sa iyong espirituwal na paglago?
• Sa anong aspeto ng iyong buhay ang sumosobra ang iyong kumpiyansa sa sarili na labanan ang tukso? Ano ang kahihinatnan nito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang mga bagay na maaaring nagpapalayo sayo sa Diyos at nagaakit sayo na matukso? Paano mo mapangalagaan ang iyong puso upang labanan ang mga pangaakit na ito?
• Anong mga bagay/gawain ang maaari mong ipatupad upang manatiling alerto laban sa tukso at manatiling matatag sa iyong pananampalataya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon sa Kanyang katapatan at para sa katiyakang binibigyan Niya tayo ng lakas upang labanan ang tukso. Magpasalamat sa Kanya sa pangako na hindi Niya tayo hahayaang matukso nang higit sa ating makakaya, at sa palaging pagbibigay ng paraan upang mapagtagumpayan natin ang mga ito. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa Kanyang patuloy na presensya at patnubay, at para sa Banal na Espiritu na nagbibigay ng kapangyarihan sa atin na tumayong matatag laban sa mga gawain ng kaaway.
• Pagsisihan ang mga panahong nadala ka sa tukso at pinahintulutan mo ang iyong mga pagnanasa na ilayo ka sa Diyos. Humingi ng kapatawaran para sa iyong labis na pagtitiwala sa iyong sariling kalakasan. Humingi ng tulong upang makita ang iyong mga kahinaan at lubos na umasa sa Kanyang Espiritu upang labanan ang mga ito. Ipagdasal ang iyong pangangailangan sa Kanyang biyaya at hilingin ang kababaang-loob na magpasakop sa Kanyang kalooban, na hinahanap ang Kanyang katuwiran higit sa lahat.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.