Close

June 23, 2024

Ano Ang Handa Mong Gawin for the Sake of Spreading the Gospel?

Bagaman mayroon tayong kalayaan kay Kristo bilang mga Kristiyano, ang hindi maingat na paggamit nito ay maaaring maging balakid sa pananampalataya ng iba. Sa linggong ito, hinihikayat tayo ni Pastor July David na maging handa na isakripisyo ang ating mga karapatan upang lumikha ng mga pagkakataon para maibahagi ang Gospel sa mga hindi pa nakakakilala kay Kristo.

As Christians, we have freedom in Christ, but careless use of this freedom can cause others to stumble. This week, Pastor July David encourages us to sacrifice our rights if doing so lets us share the Gospel with those who need to know Christ.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 9: 1-14

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na kailangan mong pumili sa pagitan ng paggigiit ng iyong mga karapatan at sa pursigi sa mas malalim na layunin. Paano ka naka-decide?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano ito konektado sa nakaraang talata at sa buong tema ng Corinthians?
• Maghanap ng ibang verses Bible para mas maipaliwanag kung ano ang isang apostol, anong mga qualifications ang mayroon sila, at ano and kanilang gawain/tungkulin?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pag-isipan kung sino sa buhay mo ang maaaring mahadlangan dahil sa iyong mga kilos o karapatan. Paano ito nakakaapekto sa iyong saloobin sa mga karapatang iyon?
• Taos sa puso si Paul na magserve, may suporta man siyang matanggap o wala. Gaano ka ka-sincere sa iyong pagnanais na maglingkod sa iba, makatanggap ka man ng suporta/pagkilala o wala? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kalagayan ng iyong puso at spiritual maturity?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang isang karapatan o pribilehiyo sa iyong buhay na maaaring makahadlang sa iba sa pagtanggap ng Gospel. Anong mga konkretong hakbang ang maaari mong gawin upang isakripisyo ang karapatang ito para sa kapakanan ng Gospel?
• Paano mo mahihikayat at masusuportahan ang iyong Life Group, pamilya, o komunidad na maging handa sa pag-sacrifice, serve, at strive para sa Gospel?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa matinding sakripisyo ni Jesus, na nagsakripisyo ng Kanyang mga karapatan upang iligtas tayo. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa Gospel na nagbabago ng buhay at nag-uudyok sa atin na mamuhay nang selfless. Magpasalamat sa Kanya para sa halimbawa ni Paul at ng maraming matapat na tagapaglingkod na inuuna ang Gospel kaysa sa kanilang sariling mga karapatan. Ipanalangin na ang Kanyang Pangalan ay luwalhatiin sa pamamagitan ng iyong mga kilos at sakripisyo.
• Lumapit sa Panginoon na may pagsisisi sa mga panahong pinanghawakan mo ang iyong mga personal na karapatan. Humingi ng kapatawaran sa iyong pagiging makasarili at sa pagiging hindi sensitibo sa mga pangangailangan ng mga nasa paligid mo. Hilingin sa Diyos na tulungan kang ipasa-Diyos ang anumang bagay na maaaring makahadlang sa iba na makilala Siya, at maging handang tiisin ang mga paghihirap para sa kapakanan ng pagpapalaganap ng Kanyang pag-ibig at katotohanan. Ipanalangin na palambutin ang inyong mga puso upang patuloy na baguhin ito at umayon sa Kanyang kalooban at layunin.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.