Close

May 26, 2024

Kasal Or Sakal? Marriage That Pleases God

Isa bang biyaya o sumpa ang pag-aasawa? Sa linggong ito, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño ang mga katangian ng isang maka-Diyos na pag-iisang dibdib at ang mga pananaw ng Bibliya tungkol sa pananatiling single, paghihiwalay, at muling pag-aasawa.

Do you see marriage as a blessing or as a curse? This week, Rev. Mike Cariño explores the traits of a Godly marriage and reminds us of the Bible’s stand on related issues such as staying single, divorce, and remarrying.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 7:10-24

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
– Sinong mag-asawa ang kakilala mong nagpapakita ng isang matatag na pagsasama na nakasentro kay Kristo. Anong mga katangian ang hinahangaan mo sa kanilang relasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin ng pagiging banal ng isang asawa sa pamamagitan ng kanyang asawa? Sa iyong palagay, ano ang itsura nito? (vv.12-16)
– Itinuturo ba ng talatang ito na ang isang tao ay maaaring magpatuloy sa makasalanang gawain o relasyon? Paano nililinaw ng verse 19 ang dapat nating gawin?

4. Engage the heart (15-20 mins)
– Suriin ang iyong sarili: Paano hinuhubog ng iyong dati at kasalukuyang mga relasyon ang iyong pananaw sa pag-aasawa at divorce?
– Naaayon ba ang mga pananaw at pagkilos mo sa 4S (stay, show, seek, shine)? Saan nag-ugat ang iyong mga pananaw at pagkilos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
– Paano mo maisasabuhay ang 4S para patatagin ang iyong mga relasyon o suportahan ang iba sa kanilang pagsasama?
– Tukuyin ang mga paraan na maaari kang mag-shine at maglingkod sa anumang sitwasyong ibinigay sa iyo ng Diyos. Anong mga hakbang ang gagawin mo ngayong linggo para isabuhay ang iyong purpose?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
– Purihin ang Diyos para sa Kanyang banal na disenyo sa pag-aasawa bilang isang kasunduan o covenant sa harap Niya. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa Kanyang patnubay at sa kaloob na panunumbalik na Kanyang iniaalok sa atin mula kay Kristo. Magpasalamat sa Kanya para sa biyaya at awa na Kanyang ibinibigay, na nagbibigay-daan sa atin na mamuhay sa maayos na relasyon, kahit na may mga pagsubok na dumating.
– Lumapit sa Panginoon nang may pagsisisi para sa mga panahong hinayaan mo ang iyong puso na maging matigas, na humahantong sa pagsaalang-alang ng divorce nang basta-basta. Humingi ng kapatawaran sa hindi pagtupad sa covenant ng kasal ayon sa Kanyang kalooban. Humingi ng tulong upang magkasundo sa iba at maitaguyod ang Kanyang mga prinsipyo sa iyong mga relasyon. Manalangin para sa patnubay at pag-unawa upang mamuhay nang payapa at upang matupad ang misyon na ibinigay Niya sa iyo, na pinapanatili ang iyong pagkakakilanlan na matatag na nakaugat kay Kristo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.